Chapter 8: Paper

206 66 40
                                    

Chapter 8: Paper

Lexi Ayriss

"Iyon lang. Sasabihan ko na lang kayo ulit kung ano ang magiging booth natin."

Tumango ang mga kaklase ko. Umalis na sa pagkakatayo ang class president namin sa harap. Muling nag-ingay ang klase.

Bukas na ang simula ng Intramurals at may fundraising na dinaluhan ang college namin. Naisip ng lahat ng sections mula all year levels na magtayo ng kanya-kanyang booth. Wala pang update kung ano ang magiging booth ng bawat sections. All sections have to participate in this activity, kaya wala kaming takas. Maliit lang ang pupolasyon ng mga CAAD students since kaunti lang ang kumukuha ng ganitong mga kurso.

"Sa tingin mo, Ayriss, ano kaya ang magiging booth natin?" tanong ni Faye.

Nakaupo ito sa katabi kong upuan habang may kinakaing lollipop.

Nagkibit-balikat ako. "No idea."

"Sana astig 'yong mapiling booth sa atin. Hindi 'yong boring," aniya.

"Hayaan mo na 'yon. Tara na."

Inabot ko ang bag ko at tumayo. Humarap ako sa kanya nang mapansing hindi ito gumalaw.

"Saan tayo?" tanong ni Faye.

"Sa Literature," wika ko.

Liningon niya ako ng may pagtataka sa mukha. Bahagyang kumunot ang noo niya at napasandal sa upuan.

"You're kidding me, aren't you?" she asked. Napababa ang tingin niya sa kanyang wrist watch.

"Seven thirty-five pa lang ng umaga, Ayriss!" she exclaimed.

"O, tapos?" walang ka-interes kong tanong habang naglalakad palabas ng room.

Naramdaman ko namang sumunod si Faye. Susunod din pala, dami pang tanong.

"Miss na miss mo na ba si Mr. Flores?"

Napalingon ako sa kanya dahil sa biglang pagtatanong nito. "Huh?"

"Ganda mong bingi," aniya at sumabay sa 'kin sa paglalakad.

"Ang aga natin, may twenty-five minutes pa. Cafeteria na muna tayo, Ayriss. Hindi ako nakakain ng breakfast." She whined. Parang batang nagpapadyak-padyak siya sa puwesto niya.

"Bakit ba kasi hindi ka kumain kanina?"

"Ang aga kaya ng meeting. Nagmamadali na ako kanina, hindi na ako nakadaan ng kusina," she said and pouted.

Maagang nagpatawag ng meeting ang class president namin kanina tungkol sa darating na Intramurals. Sigurado akong binilisan lang ni Faye ang mga kilos niya. Faye hated waking up early. She was never been a morning person.

"Ikaw na lang ang dumaan ng cafeteria. Mauuna na ako sa Literature natin."

Dumiretso ako ng lakad palabas ng gusali. Kinakailangan ko ng makapunta agad sa Literature room namin.

"Ako lang mag-isa pupuntang caf? Ano ba kasi gagawin mo sa Lit room natin?"

Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Tinitigan ko siya sa mga mata, nagbabaka-sakaling may alam talaga siya sa nangyayari. Pero wala akong makitang anumang bahid ng emosyon maliban na lang sa pagtataka. Nakalimutan niya ata ang araw na 'to.

Bumuntong-hininga ako. "Faye, report ko ngayon."

"Oh," gulat nitong saad. Natuptop pa nito ang bibig niya ng kanyang palad. Dahan-dahan siyang napatango.

"S-siguro nga mauna ka na sa room tapos ako daraan na muna ng cafeteria. Magta-take out na lang ako," aniya sa mala-robot na boses habang nagpaturo-turo at lingon-lingon sa gawi ng cafeteria.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon