Chapter 30: Blushed

54 5 18
                                    

Chapter 30: Blushed

Lexi Ayriss

Kumuha ako ng iba't ibang sangkap para sa sopas. Kumuha na rin ako ng karne, tinapay, gulay, seasoning, snacks at ng mga inumin. Naglagay na rin ako ng iba pang puwedeng pagkain sa shopping cart. I was doing Ken's groceries. Nandito ako sa isang mart malapit sa downtown at kanina pa naglilibot sa mga racks. Limitado lang ang binibenta rito, pero mas maganda na ito dahil twenty-four hours namang bukas. Saan ba naman kasing mall ang bukas nang ala-siyete pa lang ng umaga?

Maaga akong pumuslit sa bahay. Wala namang problema kasi wala naman si Kuya roon. Nasa isang probinsiya siya para puntahan ang isang branch ng business nila. Nila, tama nila. Kasi hindi naman ako kasama sa business matters nila ni Daddy at kahit kailan wala akong plano kaya hindi ko masasabing sa amin. Sa pagkakaalam ko ay bukas pa ang balik ni Kuya. Kaya malaya ako ngayon sa mga kilos ko.

Lumibot ako papunta sa isang section. May mga nakita akong iba't ibang oatmeals at mga ready to mix and bake na mga box katulad ng brownies, cookies at pancakes sa mga racks. Napatigil ako nang makita ang isang pamilyar na kahon.

Chocolate Chips Pancake Mix

Naalala ko noong unang gumawa ako nito. Nanggugulo pa no'n si Ken sa akin sa paggawa at sinubukan pang kainin 'yong chocolate chips. Bigla akong napangiti. Nagsisimula pa lang kami noon sa arrangement na ito, pero tingnan mo nga naman. Malayo-layo na rin ang narating namin.

Inabot ko ito sa rack at pinagmasdan. Gusto kong gumawa ulit. Tama, gagawa ako. Kumuha ako ng dalawa pang box.

Sa huli ay natapos na rin akong mamili at binayaran lahat sa cashier. Lumabas ako ng mart at dumaan naman sa katabing drug store at bumili ng painkillers. Pagkatapos nito ay pupunta na ako sa condo ni Ken.

Bigla kong naalala ang pinag-usapan namin ni Isha kahapon. Ang lahat ng mga sinabi niya ay bumalik sa isipan ko. Ano ang intensyon niya? Dapat Head Genie na si Ken ngayon. Hindi na siya naggra-grant ng mga wish, dapat nag-aayos na lang siya ngayon ng mga papeles at reports. Ngunit mayroong nangyari ninety years ago na nagpadesisyon kay Ken na ituloy ang pagpapatupad ng mga hiling.

Sumasakit ang ulo ko kakaisip sa mga 'to.

"Ano nga ba talaga ang nangyari ninety years ago?" wala sa sarili kong bulong.

Dumiretso ako sa condo ni Ken. Naabutan kong komportableng nakaupo sa sofa si Tyler sa living room habang nanonood ng basketball game. Nakita ko ang isang walang laman na pizza box sa coffee table. Mukhang iyon lang ang kinain niya ngayong umaga. Napansin ni Tyler ang pagpasok ko kaya agad siyang napalingon sa akin.

"Lexi! Mabuti nandito ka na," aniya nang tuluyang humarap sa akin. "Alam mo bang nagalit si Ken nang makita niya ako rito. Ayaw niya talagang nandito ako. Mabuti na lang may sakit siya ngayon, 'di niya ako masuntok."

Hindi ko pinansin ang reklamo ni Tyler. Alam ko naman ang gustong ipahiwatig niya no'n. Tumatakas siya sa pagbabantay. Ewan ko ba kung bakit siya ganyan. Ganoon nga siguro talaga si Ken. Nagagalit siya kapag may ibang tao sa tinitirhan niya.

Inilipag ko ang lahat ng dala kong plastic bags sa ibabaw ng kitchen island. Isa-isa ko namang inilabas sa plastic bags ang mga grocery items. Sumulpot si Tyler sa harap ko at agad kumuha ng ubas sa isang grocery bag.

"Bakit ka nga pala nag-grocery, Lexi?" tanong niya habang kinakain ang prutas.

"Alam mo na ang sagot, Tyler," sagot ko bago lingunin ang empty box ng pizza sa sala.

Biglang natawa si Tyler. "Wala nga pa lang pagkain dito," aniya.

Umayos ng pagkakatayo si Tyler. Inabot niya ang isang tungki ng mga ubas at sinimulang kainin ito. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko nang muling sumagi sa utak ko ang napag-usapan namin ni Isha. I didn't want to know everything from Isha. I didn't trust her yet. But how would I know about Ken's past?

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon