Chapter 18: First Wish

91 37 21
                                    

Chapter 18: First Wish

Lexi Ayriss

Agad akong lumapit kay Faye at inalalayan siya. Napansin ko naman ang pagtabi ni Tyler kay Ken.

"Faye ano'ng nangyari?" nag-aalala kong tanong habang pinagmamasdan siya.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Iyak lang siya nang iyak. Ano ba ang nangyari? Agad akong nag-angat ng tingin kay Tyler.

"Ano'ng nangyari Tyler?" kunut-noo kong tanong.

Tinitigan niya muna ako sa mata ng ilang sandali bago siya umiwas ng tingin sa akin. Parang ayaw magsalita.

"Tyler!" I yelled.

Lumingon siya sa gawi ko. His eyes were empty. He then heaved a sigh.

"Nakita niya si Mike na may kasamang babae," walang ganang saad niya.

Natigilan naman ako sa narinig at agad na napatingin kay Faye.

"Nakita niya ring naghalikan ang dalawa kaya ayan naging emosyonal at uminom nang marami."

Sumandal si Faye sa akin at tahimik na umiyak. Umiiyak siya dahil sa mga nakita niya. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Hindi ko inaakalang aabot sa ganito ang pagtingin ni Paye sa lalaking iyon. Mahal na ba niya si Mike?

"Kung gano'n, taken na si Mike?" tanong ko ulit kay Tyler.

Umayos ng tayo si Tyler at tumingin sa akin. His eyes were now in furious.

"Bakit ba kasi hindi n'yo muna inalam kung taken o single ba yang lalaki na 'yan? Bakit hindi kayo nagtanong? Hinayaan n'yo lang 'yong sarili n'yo na mahulog sa kung sinu-sino. Alam n'yo namang—"

Siniko siya ni Ken sa tagiliran na ito namang nagpatigil sa kanya sa kakasalita. Si Faye naman ay umiyak pa lalo pero sinusubukan niyang hindi makagawa ng ingay sa paghagulhol.

Tinitigan ko si Tyler sa mata. Trying to ask him of what did he mean of his rants. He avoided my gaze.

"Gusto ko lang sabihin na dapat binibigyan n'yo ng kumpirmasyon ang mga bagay-bagay. Masakit umasa," he reasoned out in dull tone.

I mentally rolled my eyes. Jerk. Sinasabi niya talaga ang lahat ng 'to sa harap ni Faye.

Ilinipat ko ulit ang tingin kay Faye. I caressed her back.

"Sige, Faye, iiyak mo lang 'yan," I whispered.

Hindi siya nagsalita, umiyak lang siya. We were just in silent while listening to her cries. Kahit mukhang pinipigilan lang niya ang iyak niya, hindi pa rin nakatakas sa mga pandinig namin ang mga ito. Matamtamang pinagmasdan nila Tyler si Faye.

"Kung ako na lang siguro ang minahal mo, hindi ka iiyak d'yan ngayon nang ganyan."

Muli akong napaangat ng tingin kay Tyler. Itinaas ko ang kilay ko sa pagtataka dahil sa mga salita niya pero mahahalata pa rin sa mukha niya ang sinsiridad. Likas na mapaglaro itong si Tyler, pero nakakagulat naman ang mga pinagsasabi niya ngayon.

"Oo agad sagot ko, Maria, kung ligawan mo lang ako."

Agad siyang siniko ni Ken pero mas malakas na ito ngayon kaysa kanina. Bigla namang lumabi si Tyler kay Ken dahil sa ginawa nito.

"Shut up," malamig na saad ni Ken kay Tyler.

Agad kong yinakap si Faye at hinagod ulit ang likod niya.

"Why, Ayriss?"

I heard Faye's cracked voice.

"Why did it turn out like this?"

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon