Chapter 21: A Confused Faye

65 27 13
                                    

Chapter 21: A Confused Faye

Lexi Ayriss

"Dismiss."

Napapikit ako nang mariin. Bahagya akong humalumbaba sa armchair at hinayaang humupa ang iritasyon na dumadaloy sa sistema ko.

Katatapos pa lamang ng huling exam namin. Alam kong dapat nakakahinga na ako nang maluwag ngayon dahil tapos na ang exams, pero hindi ko magawa. Nakakainis naman.

"Ayriss."

Napaangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Faye. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang nakatayo sa harap ng upuan ko.

"Tambay tayo."

Natigilan ako nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Pinagmasdan ko siya.

Are you back, Faye?

Ngumiti siya na ito namang ikinangiti ko. Tumango ako.

"Tara," I said. I gathered my things and stormed out of the room with Faye.

She's back.

Binuksan ko ang can ng coke ko at tahimik na uminom.

"Are you feeling better now?"

Napalingon ako sa katabi kong babae na kumakain ng burger. Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang bench malapit sa soccer field. Nag-take out na lang kami ng pagkain.

"Yeah."

Kilalang-kilala talaga ako ni Faye. Alam niya kung gaano ko kinaiinisan ang exams. I was not literally pissed of exams, I was used of it. Ang magiging resulta ng mga pagsusulit namin ang itong ikinaiinisan ko.

Failing my Dad's expectations have its own consequences.

Kahit gaano ko subukang talikuran ang lahat, may mga bagay-bagay pa ring nagpapabalik sa akin sa ama ko. Hindi iyong mga bagay na magaganda, kun'di mga bagay katulad na lamang ng mga obligasyon. Obligasyon kong makakuha ng matataas na marka.

Napabaling ako sa kanya ng tingin. "Ikaw?"

"Ano'ng ako?" tanong niya habang kumakain.

"Are you feeling better now?"

Bahagya siyang natigilan sa tanong ko. Hindi niya ata inaasahang magtatanong ako sa estado niya. Since the day after the party, I never asked questions related to her feelings. Ngunit ngayon nagtatanong ako sa kanya. Uminom muna siya bago magsalita.

"Alam mo naman ang sagot d'yan, Ayriss. But don't worry about me, I can do this," she confidently said and smiled.

Napangiti na lamang ako. Alam ko namang kaya niya iyon. Siya pa.

"Nag-aral ka nang maigi, no? Palagi ka kasing nauuna matapos sa atin sa exams." Napasulyap ako kay Faye.

"Oo," sagot ko na lamang.

"Mabuti naman at sinipag ka. Ako, nadi-distract e."

Napabuntong-hininga ako. Salamat na lang doon sa nag-iwan ng kahon ng tsokolate sa kuwarto ko. Gumana utak ko dahil sa kakain no'n.

"Anyway, samahan mo nga pala ako mamaya."

Napalingon ako sa gawi ni Faye. Samahan?

"Saan naman?" tanong ko.

Inabot ko ang burger sa loob ng plastic. Binuksan ko ito at sinimulang kainin.

"Kila Tyler," kibit-balikat niyang sagot.

Bigla naman akong napalingon sa kanya. Tumaas ang isang kilay ko sa pagtataka. Nagmamabutihan na ba ang dalawa?

"Ayriss, stop concluding things. It's not what you think," aniya na parang alam na alam niya ang tumatakbo sa isip ko.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon