Chapter 7: Tears

233 68 69
                                    

Chapter 7: Tears

Lexi Ayriss

"Let me go!" sigaw ko habang nagpupumiglas.

Sinusubukan kong kumawala sa hawak niya. Nakakainis lang! He's holding me tightly with his arms around me.

"Bitawan mo nga sabi ako!"

Panay pa rin ang paglilikot ko at pagpapadyak. Sinusubukan ko ring sipain siya, pero hindi ko siya masipa-sipa. Masyado siyang malakas na itong ipinagtataka ko. Hindi naman ganoon ka-built ang katawan niya, pero na nakakaya niyang makontrol ako sa mga bisig niya.

"Kakasuhan kita ng sexual harassment!" pagbabanta ko.

"Wow naman. Hindi nga kita inaano."

Nabigla ako sa pagsasalita niya. Manly pa rin naman ang boses niya, pero may hint pa rin ng pagka-childish. Parang ang cute lang. Wait, what the crap was I thinking?

I shrugged off the thought. Masamang hangin na ata ang hinihinga ko, kung anu-ano na tuloy iniisip ko. Muli akong sumipa.

"Pakawalan mo nga sabi ako!"

"If you only stop whining like a brat!" he said annoyed.

Natigilan ako. Brat? Do I look like a brat to him?

Napatigil ako sa pagpupumiglas. We stayed at the position for more minutes. Maya't maya ay naramdaman ko na ang unting pagkalas ng mga bisig niya. Hanggang sa ibinaba na niya ang mga ito sa gilid. Dahan-dahan akong humakbang palayo sa kanya.

"Huwag ka nang sumigaw. Huwag mo na rin pang subukang tumakas kung ayaw mong gamitan na talaga kita ng kapangyarihan," rinig kong saad niya sa malamig na boses.

Napalingon ako sa kanya nang marinig ang salitang kapangyarihan. Normal lang naman 'yon na salita sa akin noon, pero ngayon parang nakakatakot na. Sandali, tinatakot ba ako ng lalaki na 'to?

"Blackmail naman ngayon?"

Mas napahakbang ako paatras, palayo sa kanya. Baka kasi totohanin niya ang sinabi niya, mamaya gawin pa ako nitong palaka. Delikado.

Bahagya siyang bumuntong-hininga at napahilot sa noo na para bang problemado.

"Look, Missy, I'm serious," he said with serious and sincere tone.

Pinagmasdan ko siya. Makikita nga sa mukha niya ang pagseseryoso.

"Okay, fine," sabi ko.

"Alam kong hindi ka naman naniniwala sa 'kin. Pero naipakita ko naman na sa 'yo ang kakayahan ko—"

"So ibig mong sabihin, totoo ka? Isa ka talagang genie?"

Tinitigan niya ako, dahan-dahan siyang tumango. Napatitig lang ako sa kanya. Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari. Imagine, ang genie ay mula lamang sa mga kuwento at ito namang lalaki sa harap ko ay tao. Tapos isa siyang genie? Ano na ba ang nangyayari sa mundo?

Parang gusto ko tuloy uminom ng malamig na tubig. Nanuyo bigla lalamunan ko.

"Oo, isa nga akong genie at nandito ako para tuparin ang tatlong kahilingan mo."

"Pero paano?" I whispered. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Paano? Bakit ako?"

Lumapit siya sa kama ko at umupo.

"Kasi ikaw lang naman itong tumawag sa akin," kaswal niyang saad.

Tumawag? Bakit ko naman siya tatawagan? Kilala ko ba siya? May number ko ba niya?

"Hindi ko nga alam pangalan mo. Number mo pa kaya?"

Tinitigan niya naman ako. Titig na parang nagpapahiwatig na isa akong baliw.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon