Chapter 9: Shout-out

178 58 34
                                    

Chapter 9: Shout-out

Lexi Ayriss

"Kawawa talaga si Harry," said Faye as she gave me a quick glance over her shoulder.

Napabuntong-hininga ako. Maraming beses na niya itong sinabi mula pa kahapon. Hindi pa ba siya nagsasawa kakasalita ng mga katagang iyon?

"Faye," I warned her. Lumingon naman ito sa akin at tiningnan ako.

"What?" she asked innocently. I rolled my eyes mentally. Tingnan mo 'to nagmaang-maangan pa.

Muli itong bumalik sa paglalakad habang may dala-dalang kahon. Minsan napakagulo ni Paye. Tinalikuran lang talaga ako. Inayos ko na lamang ang pagkakabitbit ng kahon ng pintura at sinundan si Faye pababa ng building namin.

Hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari kahapon. But I did the right choice, 'di ba? I was just restraining myself from doing something I would regret at the end.

Wala ako no'n sa mood. Hindi na ako masyadong aware sa paligid ko dahil tuluyan ng nalipat ang buo kong atensyon sa galit na nararamdaman. Hindi ko rin naman gustong ibuntong kay Harry ang masamang saloobin ko no'n kaya mas mabuti na lang iyong iniwasan ko siya.

Ako kasi ang tipo ng tao na hindi kaya kontrolin ang emosyon. Parang isang bulkan, sasabog na lang kung hindi na kinaya ng pressure.

"Lexi, ilagay mo na lang 'yan dito," utos ng class president namin.

Ibinaba ko ang dalang kahon sa katabing mesa.

"Simulan na natin ang pag-aayos!"

Ngayon ang unang araw ng Intramurals at kanina pa binuksan ang pagsisimula ng nasabing event. Maraming mga atleta ang makikitang palakad-lakad sa loob ng university. Meron namang mga grupo ng mga estudyante ang pumupunta sa iba't ibang lugar ng mga kompetisyon.

The atmosphere around the university was so lively. Maraming makukulay na streamers ang makikitang nakakabit sa taas. Ang bawat department naman ay naghahanda ng magtayo ng kani-kanilang booth at ang iba naman ay mga exhibit. Mukhang hindi lang ito simpleng Intramurals, it was more than sports. Dinagdagan ito ng maraming kasiyahan at kaaliwan.

We were going to have a facepaint booth. Wala naman itong kaso pagdating sa amin. Mas efficient pa nga ito at madali lang trabahuin lalo na't related ito sa kurso namin.

Itinayo ang booth namin sa isang tabi ng covered pathway kung saan nakatayo rin ang iba pang booths. Parallel to the covered pathway was the lobby to the Administration Building. Wherein other booths from other departments were also built. Sa gitna nito ay may isang maliit na platform ang nakalagay kung saan nakatayo ang isang student host na tila isang DJ sa isang radyo sa kakasalita nito.

He was very energetic and loud. He was keeping the mood of the university active.

Nagsimula kaming ayusin ang booth. Naglagay kami ng free standing placard sa harap para madaling makita at mapansin ng mga estudyante. Kanya-kanya naman ng hawak ang mga napiling painter ngayong araw ng mga paintbrush nila. Nagtawanan pa kaming lahat nang biglang mag-agawan ang dalawang bakla sa isang paintbrush.

"Lexi."

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Faye.

"Ito, oh." Inilahad niya sa harap ko ang isang manipis na paintbrush.

Napakunot-noo naman ako. "Ano 'yan?"

"Paintbrush," she answered immediately.

I gave her a look. She then gave me her famous 'What?' look. Okay. Ako na tanga. Buwisit talaga itong si Faye.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon