Chapter 26: Genie Too

39 13 18
                                    

Chapter 26: Genie Too

Lexi Ayriss

"W-welcome home, Kuya."

Tumango ito. Nagbaba ito ng tingin sa relo niya at muling tumingin sa akin.

"It's already late. Why are you still up?" he asked.

"Nagising lang ako," sagot ko sa mababang tono.

"Go back to sleep."

Dahan-dahan akong tumango. He went to face Nanay Melda and said something to her before picking up his luggage. Muli siyang humarap sa gawi ko at tuluyang naglakad papalapit ng hagdan. Humakbang ako paatras, nagbibigay daan kay Kuya.

Linagpasan niya ako nang hindi linilingon. Hindi siya ulit kumibo. Pinagmasdan ko siyang maglakad pataas papunta sa sarili niyang kuwarto. Nang marinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto ng kuwarto niya, ay agad naman akong pumunta ng kusina. Naabutan ko si Nanay Melda na naglilinis ng countertop ng kitchen island.

"Nanay?" pagtatawag ko nito.

Nag-angat naman ito ng tingin sa akin. "Oh, Ayriss, bakit? May kailangan ka?"

"Ngayon po pala ang uwi ni Kuya?" I asked.

Usually pinapaalam sa akin ni Nanay Melda ang mga bagay na ganito bago pa man mangyari. Pero ngayon, wala akong alam.

"Hindi ka ba sinabihan ng Kuya Landon mo? Kanina niya lang ako tinawagan. Nagpapabukas ng gate. Nagulat nga ako sa pag-uwi niya bigla," nanay explained.

"Wala naman po akong natanggap na tawag o message kay Kuya na uuwi siya," pagpapaliwanag ko rin.

Hindi nga kami nag-uusap na dalawa kahit may mga contact number kami sa isa't isa.

"Gano'n ba? Hindi ba't mabuti na rin ito? Umuwi na ang kuya mo," sabi ni Nanay bago ngumiti.

Ngumiti na lang ako at muling bumalik sa taas sa kuwarto ko. This was unexpected. Bakit umuwi si Kuya?

--

"Who's home?" pagtatanong ulit ni Faye.

"Faye, umuwi na ang Kuya ko," I announced again.

"Wait, what?" she paused, "you mean Landon Acker Rouberg?"

Nanlalaki ang mga mata ni Faye sa gulat. Hindi niya rin ito inaasahan.

"Yes," I nodded.

"Really?" excited niyang sabi at agad na lumapit sa akin.

I rolled my eyes. I forgot. Faye had a minor admiration to my Kuya since we were kids. Minor lang naman, sabi niya ideal man niya raw kasi si kuya. I couldn't blame her. My kuya was smart and good-looking guy. Maraming nagkakandarapa sa kanyang babae kahit medyo kakaiba na siya ngayon.

"Hindi ko siya nakilala, Faye," muli kong saad.

"Why? Mas lalo bang gumawapo?" she asked while smiling.

She was too close to my face. Hinawakan ko ang noo niya at inilayo ito sa akin. Napapaghalataang excited ang bruha.

"The last time I saw him was ten years ago, Faye. Nasa elementary pa lang ako no'n. Nakikita ko nga siya sa mga photos sa social media pero iba pa rin iyong... kaharap ko siya. It's way too different," I exclaimed.

"Bakit? Ano na ba itsura niya ngayon?" nagtatakang tanong ni Faye.

She took a sip of her lemonade. Nasa open field kami ngayon ng university. Nakaupo kami sa isa sa mga bench dito. Katatapos pa lang ng lahat ng klase namin since wala naman na kaming afternoon sched ngayong araw. Nagpalibre lang ako kay Faye ngayon dahil naiwan ko ang wallet ko sa bahay.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon