Chapter 19: Cinderella

80 36 10
                                    

Chapter 19: Cinderella

Lexi Ayriss

Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay ni Tyler. Iniwan ko sa labas si Ken. Pinapapasok niya na rin naman ako.

Hindi ko nga lang alam kung saan na 'yon pumunta o bumalik nga ba 'yon sa party sa likod. Agad akong napailing. Dapat si Faye ang unahin ko ngayon. Ano ba 'yan!

Dumiretso ako ng lakad papuntang kusina pero bigla akong nakaramdam ng kaba nang makitang walang tao ni isa rito. Nasaan na sila? Nasaan si Faye? Si Tyler?

Umusbong ang pag-aalala ko kay Faye. She was not in the good shape yet. Paano kung mapano 'yon? Lumabas agad ako ng kusina at nabigla nang makasalubong ko si Tyler sa sala. Agad akong napatingin sa gilid niya.

"Nasaan si Faye?"

Nag-aalala kong tanong nang makitang wala sa tabi niya ang kaibigan ko. Linibot ko ang paningin sa buong sala, baka nakaupo siya sa sofa.

"Lexi," he called me.

Pero hindi ako nagpaawat. Hahakbang pa sana ako para tingnan ang buong sala nang biglang hawakan ni Tyler ang kanang braso ko. Napalingon ako sa kanya.

"She's with Mike."

Natigilan ako. Nag-uusap na ba sila ni Mike? Ibig sabihin ba nito ay natupad na ang unang hiling ko? Ken really granted my first wish?

"Nasaan sila?" bigla kong tanong.

"Nasa labas."

Agad kong hinigit ang braso ko sa pagkakahawak niya. Lalabas pa sana ako ng bahay nang tawagin niya ulit ako na ito namang nagpatigil sa akin.

"Leave them alone, Lexi."

Napalingon ako kay Tyler habang kunot ang noo. What was he trying to say? Leave Faye alone with Mike?

"But what if Faye can't handle herself alone? What if she cries again? There's no one beside her Tyler!" sigaw ko sa kanya.

"Meron, Lexi."

Natigilan ako sa pag-iisip ng kung anu-ano dahil sa tono ng boses niya. His voice was something dominant.

"Faye have you, us. She can rely for support or help to us. Don't stress yourself too much."

Tuluyan akong nanghina sa mga salita ni Tyler. Para akong tinusok ng mga ito. He wqs right. She have us. Dahan-dahan akong napahawak sa katabing dingding at wala sa sariling napatingin sa baba.

"I was just being paranoid."

Napansin ko ang pagbulsa ni Tyler ng mga kamay niya sa suot na dark jeans.

"You're just worried."

Napangiti ako nang bahagya. Faye was a family to me. Siya na lamang ang palagi kong nakakasama, nasasandalan at inaasahan. Siya na lang ang meron ako. Hindi ko hahayaang masaktan siya. Hindi ko hahayaang sirain niya ang kanyang sarili dahil sa sakit.

I was weird, right? But I couldn't just stand here and spend the whole evening partying while my bestfriend was enduring great pain. Tutulungan ko siya hanggang sa kaya ko. Ganoon din naman si Faye sa akin. Ginagawa niya rin naman ang lahat ng makakaya niya para sa akin.

"Makakaya kaya ni Faye doon mag-isa?" tanong ko kay Tyler bago ko siya lingunin.

Umayos siya ng tayo at tumingin sa gawi ng labas. Dalawang emosyon ang makikita sa mga mata niya. I could clearly see it was worry but the other one, I couldn't figure it out. May kung anong emosyon pa ang naglalaro sa mga mata niya. Ano kaya 'yun?

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon