Chapter 27: Escape

36 14 3
                                    

Chapter 27: Escape

Lexi Ayriss

"Faye," tawag ni Tyler.

Napalingon kaming lahat kay Tyler. Kalalabas pa lang namin sa pizza house. Even though it was obvious on Bastie's face the great hesitation, he joined us with the snack. Tyler made him come with us. Matapos no'ng nangyari kanina, nag-iba ang ekspresyon sa mukha niya. Umakto siya na parang walang nangyari, na parang wala akong nakita na nakakagulat.

"What?" tanong ni Faye.

Ngumiti si Tyler at umayos ng pagkakatayo.

"Hindi mo makakasamang umuwi ngayon si Lexi."

It startled me. Gulat akong napatingin kay Tyler. Ano'ng iniisip niyang gawin? Faye gave me a quick glance.

"Why not?"

Hindi umimik si Tyler. Ako naman ay naiwang tulala at hindi makapagsalita. Tumingin ulit si Faye sa akin, naghihintay ng sagot. I looked down. I didn't know what to answer.

"I—I have a favor," singit bigla ni Bastie, "it has something to do with..." Tumingin si Bastie sa amin ni Tyler. "With them. Kaya hindi kayo sabay uuwi ngayon ni Lexi."

Tinignan ni Faye si Bastie na parang pinag-aaralan ang sinabi nito. Gusto kong sabihin sa kanyang tumutol siya at ilayo ako sa dalawang lalaki na ito, pero hindi ko magawa. Masyado na akong natatakot sa maaaring mangyari sa akin ngayon.

"Gano'n ba?"

Napatingin ulit si Faye sa akin. Naghihintay ng sagot at kumpirmasyon. Payak akong ngumiti at tumango. Nagtataka man ay tinanggap na lang iyon ni Faye.

"Okay. Then, alis na ako. May dadaanan pa ako," sabi niya. I saw her hesitating for a second, but she remained silent. 

Hindi siya sigurado kung iiwanan niya ba ako rito. Dadaanan dapat namin ang mga magulang niya. Nagpaalam si Faye. Tumalikod at lumakad papalapit sa pula niyang kotse. Pinagmasdan ko itong lumayo.

May isang butil ng tubig ang pumatak sa ilong ko. Napaangat ako ng tingin sa langit. Uulan pa ata.

"We need to talk."

Narinig ko ang boses ni Tyler. I was doomed.

--

Tahimik lamang ako habang nakaupo sa isang armchair sa living area ng bahay ni Tyler. Tyler and Bastie were sitting on the sofa perpendicular to me.

"Uminom muna kayo."

Inilapag ng isang matandang babae ang dala niyang tray ng orange juice sa coffee table.

"Thank you!" magiliw na sabi ni Bastie.

Agad namang inabot ni Bastie ang isang baso at uminom. Umalis naman ang matanda at pumunta ng kusina.

Tyler was quite different now. His face remained impassive since we left the pizza house. Kinakabahan na rin ako dahil hindi naman ako sanay makita siyang ganito. He was always loud and cocky.

"Squeeze orange. Subukan n'yo, masarap," ani Bastie.

He was trying to enlighten the situation. Ngunit mukhang hindi gumagana dahil sa tensiyon ng bawat isa sa amin. Inaamin kong pinagsisisihan kong pumayag ako sa pag-alis ni Faye. I needed someone here now.

Alam ko ang lahat ng nangyayari ngayon dahil ako mismo ay may sarili ring genie. I knew the Genie Rules. I knew how they uphold, interpret and apply the rules. Si Ken na mismo ang nagpaliwanag nito sa akin.

"Hindi maaaring malaman ng ibang tao ang tungkol sa akin, na isa akong genie."

"Paano kung may makaalam?"  tanong ko.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon