Chapter 6: Chase

279 74 80
                                    

Chapter 6: Chase

Lexi Ayriss

May kumalabit sa akin mula sa likod dahilan para mapalingon ako rito.

"Hoy!"

"WAAHHHHH!" I suddenly screamed in surprise.

Napabalikwas ako ng upo dahil sa gulat. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa kaba.

"Hoy! Tumahimik ka nga." Suway ni Faye sa akin habang tinatapik-tapik ako sa balikat. Nagpapalinga-linga pa siya sa paligid.

Halata namang natutuwa ang bruha sa reaksyon ko dahil sa ngiting pinipigilan niya. Mapapatay ko talaga 'to, kung hindi ko lang siya bestfriend. Kainis talaga!

Nagsitinginan ang mga tao sa gawi namin. Nasa isang food court kami. Dito ko napagdesisyonang hintayin si Faye since kanina pa nangangalay ang mga paa ko sa kakalakad.

"Faye naman! Bakit ka nanggugulat?" I hissed.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Tumungo ako at itinaas ang kamay sa noo ko. Sinusubukang itago ang sarili sa mga tao.

"Sorry naman," sabi niya nang makaupo siya sa kaharap na upuan. Inilagay niya ang kanyang bag sa mesa.

"Kung makasigaw ka naman parang kinalabit ka ng multo," malakas niyang bulong.

"Kinalabit nga ako ng multo!" asik ko sa kanya.

"Ganda ko namang multo sa 'yo," sabi nito at ngumisi pa.

Inirapan ko siya. "Ilusyunada," bulong ko.

"Magugulatin ka na ata ngayon?" pagtatanong niya. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako.

Nag-iwas ako ng tingin. "Kulang lang sa tulog."

Napansin ko nga rin na madali lang ako magulat ngayon. Kaunting gulat lang mapapasigaw na ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Pero maaari kayang dahil sa mga nangyari sa akin lately?

"Pupunta ka ba sa party ni Tyler?"

Napalingon ako sa kanya nang bigla siyang magtanong.

Tyler was a friend of ours. Isa siya sa mga kilalang estudyante ng university namin. Anak mayaman, babaero at sikat. Kilala namin siya dahil dati namin siyang kaklase noong high school. Mahilig siyang pumunta sa mga party pero mas mahilig siyang mag-set ng party sa bahay nila. Nasa America raw ang parents niya at nag-iisang anak lang siya kaya nagagawa niya ang lahat ng gusto niya.

Nagkibit balikat ako, "Ewan."

Tyler's party was different. He was famous so most of his guests were also well-known in the university. Sigurado ring imbitado ang iba't ibang sikat na estudyante sa iba't ibang eskwelahan.

Party of elites, I guess.

"Don't be such a party pooper, Ayriss!" asik niya.

I rolled my eyes, "Bakit ba kailangan pa nating pumunta roon?"

"Ayriss, para namang hindi tayo napapalagi sa mga party ni Tyler," sabi niya nang titigan niya ako sa mata.

"So bakit nga tayo pupunta sa party na 'yon?" I asked again.

Tinaasan ko siya ng kilay. I knew she had something else to say.

"Kasi invited tayo," she shrugged. Tinitigan ko siya nang masama.

"Okay, okay!" she said defeatedly.

Itinaas niya pa ang dalawang kamay niya sa ere na para bang sumusuko.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon