Chapter 12: Forgiveness

131 52 17
                                    

Chapter 12: Forgiveness

Lexi Ayriss

"Faye, Lexi."

Napahinto kami ni Faye sa pag-aayos sa mga lata ng natirang pintura nang may biglang tumawag sa amin. Liningon namin ito at nakita si Drake sa harap ng mesa.

"Iyong mga natirang pintura pala. Iagay n'yo sa loob ng kahon. Baka may panggamitan pa tayo n'yan," utos niya.

"Sige, Drake," agad namang sagot ni Faye.

"Dalhin n'yo na lang ang mga 'yan sa opisina."

Tinanguan namin siya. Tumalikod naman agad siya at inasikaso ang iba.

Ngayon ang huling araw ng Intrams namin. Mamaya na rin ang anunsyo sa lahat ng mga nanalo sa iba't ibang kompetisyon. Nagsisimula na ring mag-ayos at magligpit ang ibang mga booths ng kanilang mga gamit at ganoon na rin kami ngayon.

Inabot ko ang itim na pintura sa isang mesa at inilagay sa loob ng isang kahon. Biglang tumabi sa gilid ko si Faye.

"Ayriss, musta ang date?" Faye asked while grinning. Nabigla naman ako sa tanong niya.

"Date?"

"Oo, date n'yo ni Harry," she said and gigled, "magkuwento ka naman!"

Date namin ni Harry?

"Ano'ng date? Hindi kami nag-date," depensa ko. Ano'ng date pinagsasabi nito?

"Ayriss naman! 'Wag kang madamot. Magkuwento ka na!"

Humarap siya bigla sa akin at sinimulanh yugyugin pa ang mga balikat ko. Agad ko namang ipinatong sa mesa ang hawak kong mga lata ng pintura. Baka kasi mabitawan ko, ayokong maligo ng pintura. Mahirap na.

"Wala nga akong ikwe-kuwento. Wala namang gano'n," I stated.

"Wala raw," tukso niya.

"Wala nga."

"E, 'di ba iniwan ko kayo kahapon?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

Bigla namang pumintig sa inis ang dibdib ko. Talaga itong babae na 'to. Pinaalala pa talaga 'yong ginawa niya kahapon. Iyong totoo? Bestfriend ko ba 'to?

"Umalis agad ako. Hindi ko siya naka-usap," I said and looked away.

Lies.

Alam kong mali ang magsinungaling sa bestfriend kong ito. Pero wala pa siyang alam tungkol kay Ken at hindi pa ako handa sabihin sa kanya ang tungkol sa lalaking genie na 'yon. Hindi pa ngayon.

"Huh?" tuluyan siyang napaharap sa akin. "Bakit ka naman umalis? Sayang no'n."

Sayang?

"Buwisit ka, Faye." I glared at her. "Ikaw na lang kaya kumausap kay Harry at magsabi ng sorry. Excited ka."

"Sorry naman, Ayriss." She laughed.

Kumapit siya sa kaliwang kamay ko at nagpa-cute. Akala siguro ng babae na 'to mauuto ako nito sa pa-cute-cute niya. Pasalamat siya at malaki ang puwesto niya sa puso ko kaya 'di ko magawang awayin.

"Pero sandali. Bakit ka umalis agad? Saan ka nagpunta kahapon?" pagtatanong niya habang nakakunot ang noo.

Nag-panic naman agad. Saan nga ba?

"A-ano hinanap ako ni Nanay. May kailangan siya sa akin, kaya umuwi agad ako kahapon."

"Ganoon?" nanghihinayang niyang tanong. "Hindi talaga kayo nagkausap?"

"Hindi." Iling ko.

"Hindi ka pa nakakapag-sorry sa kanya."

Bigla naman akong natigilan. "Hindi pa."

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon