Chapter 23: Sweet Escapade

76 21 8
                                    

Chapter 23: Sweet Escapade

Lexi Ayriss

I closed my eyes when a sudden breeze of cold November touched my exposed skin. Napahawak pa ako sa buhok ko nang biglang liparin ito ng malamig na hangin. Hindi na ako magtataka kung bakit ganito kalamig ngayon, gabi na rin kasi.

Binuksan ko ang mga mata ko at tahimik na pinagmasdan ang mga letra na nakaukit sa maliit na kwadradong semento. Dahan-dahan akong lumuhod at ipinatong ang dala kong bulaklak sa ibabaw nito.

"Hi Mom," I melancholy said.

Matagal na rin iyong huling bisita ko rito, pero wala pa ring pinagbago ang lugar. Ganoon pa rin. Hindi makulay.

Si Mom... Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Was she watching me?

Napangiti ako at napatayo. She always did. Noon pa man mahilig na niyang panoorin ang mga galaw ko. Sa mga maliliit na bagay na ginagawa ko ay palagi niya iyong pinagtutuonan ng pansin. Habang naglalaro, kumakain, nag-aaral o kahit sa pagtulog. She said that she just love watching me doing things I love. Doon daw kasi nade-develop ang sarili ko at gusto iyon na nakikita ni Mom... lahat.

I miss her so much. I'd been longing for her warm hugs, her care and her love.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng mga luha sa pisngi ko. Hindi ko na rin napigilan ang sarili na mapahikbi. Matagal na, Mom. Matagal na. Bakit hindi ko pa rin matanggap?

"Are you planning to cry for the whole night?"

Napatigil ako sa pag-iyak. Dahan-dahan kong nilingon ang pinanggalingan ng boses.

I cried even more upon seeing him standing a meter away from me. Hindi ko alam kung bakit ako umiyak pa lalo. I didn't like the idea of him watching me crying weakly. But now he was here in front of me and I couldn't do anything. Masyado akong mahina. Wala akong magawa para malampasan itong kalungkutan ko.

Humakbang siya palapit sa akin. Inabot niya ang likod ng ulo ko at biglang isinubsob sa dibdib niya. Nabigla ako sa ginawa niya. Agad akong humiwalay pero mas lalo niyang isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"I'm giving you five minutes to cry all those shits out of you."

My eyes grew wider just hearing his words. I felt defeated. Napapikit ako at napahikbi.

"Idiot. Inuutusan mo ba ako?" I said between my sobs.

Hindi siya gumalaw. Hindi siya nagsalita. Ramdam ko ang init ng katawan niya at ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib.

"Yes," he whispered as he caressed my hair.

I was stupid for being weak... And at the same time, I was stupid for breaking my own walls that I had been building for a long time.

--

"Here."

Tahimik kong tinanggap ang bottled water na inilahad niya.

"Thanks," I whispered as I looked away.

Umupo siya sa kabilang dulo ng bench na kinauupuan ko. Narinig ko ang pagbukas ng juice can at ang pag-inom niya nito.

Napadapo ang tingin ko sa harap namin. Pinagmasdan ko ang iilang mga tao na lumalabas at pumapasok sa malaking gate ng eksklusibong sementeryo na ito.

Araw ngayon ng mga patay kaya maraming tao. Makikita ang iilang mga tao na dumadalaw sa puntod ng mga kapamilya nilang namayapa na. Unlike of my dad and my brother, hindi talaga nilang nagawang bumisita kay Mommy.

"Huwag kang masyadong mag-isip."

Bigla akong napalingon kay Ken na ngayon ay nakatitig sa kaliwa kong kamay. Sinundan ko iyon ng tingin at nakitang mahigpit pala ang pagkakahawak ko sa bottled water. Umiwas ako ng tingin sa kanya at dahan-dahan na lamang tumango.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon