Chapter 2: Favor

436 97 146
                                    

Chapter 2: Favor

Lexi Ayriss

Nakatingin lang ako sa Librarian na busy sa pag-aayos ng mga kung anu-anong papel na nakakalat sa ibabaw ng mesa. Halos limang minuto na akong nakatayo rito sa harap niya pero hindi niya pa rin ako napapansin.

Makikita ang pagmamadali sa mga kilos niya. Lukot ang noo at mabilis kumilos ang mga mata mula kaliwa hanggang kanan at paulit-ulit. Inii-scan ang bawat letra at salita sa papel na mahahawakan niya. May hinahanap siguro.

Tumikhim ako at doon siya napatigil. Inangat niya ang kanyang tingin sa akin at bahagyang itinaas ang kaliwang kilay. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa mga mata niyang nagtatanong sa likod ng salamin niyang suot.

"Hihiram po ako ng libro."

Napababa ang tingin niya sa librong hawak ko. Inilahad niya ang kanyang palad sa akin. Agad kong ibinigay sa kanya ang ID at borrower's slip ko. At ipinakita naman sa kanya ang librong hihiramin ko.

Matapos sa pagche-check at pagta-type sa keyboard ng computer niya ay ibinalik niya sa akin ang ID at ang slip ko. Bumalik siya ulit sa pag-scan ng mga papel. Grabe, walang ano mang salita. Mukha atang maraming ginagawa ang mga instructors ngayon.

Naglakad ako palabas ng library habang pinapasok ang librong hiniram sa loob ng bag ko.

May report ako sa Literature, matagal pa naman ito pero gusto kong gawin na ng maaga. Hindi biro ang mag-report sa harap ni Mr. Flores.

"Ayriss!"

Napaangat ang tingin ko sa tumawag sa akin. Nakita ko si Faye na papalapit. May lollipop na namang kinakain.

"Saan ka ba nagpupupunta?" inis niyang tanong sa 'kin at biglang lumabi. "Kanina pa ako naghihintay sa 'yo. Nangangawit na ako kakatayo sa harap ng gate."

Pinapakonsensya ba ako ng babae na 'to?

"Tumigil ka nga sa pout effect mong 'yan. Hindi ka cute," sabi ko sa kanya.

"Alam mo, sama mo," sabi niya nang sumabay siya sa akin sa paglalakad.

"Nagsalita ang mabait," I said, sarcasm 'yon. Nakita ko namang ngumiti siya.

"Saan ka galing?" tanong niya.

"Sa library."

"Natulog?" she asked immediately.

Niliingon ko siya bigla. Seryoso siyang nakatingin sa daan habang tahimik na kinakain ang lollipop.

"Iyon ba sa tingin mo ang ginagawa sa loob ng library?" I asked in disbelief. Seriously? Gusto ko talagang batukan 'to.

"Hindi," she grinned widely.

"Iyon din ba ang ginagawa mo sa loob ng library?"

Pinanliitan ko siya ng mata. Utak nitong babae lumilipad na naman.

"Alam mong hindi," tumawa pa ito. Napabuntong hininga na lang ako at bahagyang napailing.

Oo, alam kong hindi kasi roon siya tumatambay kapag vacant time. Ini-stalk niya 'yong crush niyang nakasalamin. May sayad talaga 'to sa utak, talagang nang-stalk.

Napansin ko ang mga tingin ng ibang mga estudyante sa amin. Nakakakuha pansin ang pagtawa ni Faye sa buong hallway.

Maraming estudyante ang nakakikilala kay Faye. Siya kasi ang kinoronahan na Miss VU last year.

Napagtripan niyang sumali sa pageant na itong ipinagtataka ko. Hindi naman siya mahilig sa mga gano'ng kompetisyon.

Maganda naman talaga itong bestfriend ko lalo na kung nag-aayos. Marami rin siyang manliligaw pero nga lang walang sinasagot, obvious naman ang dahilan. She's beautiful, makokoronahan ba namang Miss VU kung hindi. Pero nga lang sadyang may sayad lang talaga ito sa utak at isip-bata pa.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon