Chapter 20: Chocolate

97 36 26
                                    

Chapter 20: Chocolate

Lexi Ayriss

Panay ang lingon ko sa gawi ni Faye. Nakasandal siya sa upuan habang tahimik na nagbabasa ng libro.

Linggo ngayon at kasalukuyan kaming nagsasagawa ng group study sa coffee house ni Miss Cilia. Bukas na ang simula ng final exams namin o mas tinatawag na 'hell week' ng karamihang estudyante.

We usually studied together at Miss Cilia's coffee house a day before the exam week. Hindi dahil sa masarap ang kape rito, ito'y dahil maaliwalas at tahimik ang loob nito na mas nakakatulong ipukos ang mga isipan namin.

Ngunit nakikita kong hindi gumagana kay Faye ito ngayon. Unang tingin mo sa kanya, aakalain mong tutok siya nang maigi sa pagbabasa pero hindi. Kilala ko siya. She was acting normal, but deep inside she was dying. Ang kalungkutan sa mga mata niya ang ebidensiya. Hindi ako sanay na makita siyang ganito kumilos. Naninibago ako pero mas maganda na itong nasasaktan siya sa ngayon kaysa namang maging habang buhay na lang siyang tanga.

"Lexi, Faye, kumain muna kayo. Kanina pa kayo nasa harap ng mga libro n'yo," ani Ate Anne.

"Nagsusunog ng kilay, Anne. Hayaan mo na," singit naman ni Kuya Renz na ngayon ay nagma-mop ng sahig.

Hindi pinansin ni Ate Anne ang sinabi ni Kuya Renz. Napatingin naman ako sa pagkaing inilapag ni Ate sa mesa.

"Lasagna?" I asked. "Wala ito sa menu natin, 'di ba?"

"Linuto 'yan ni Tom para sa inyo," nakangiting sabi ni Ate.

Napalingon naman ako sa counter at nakita si Kuya Tom doong nakangiti sa amin.

"Kuya, salamat!" I shouted happily.

"No problem," he said, "basta magsunog lang kayo ng kilay d'yan."

Nakisabay ako sa kanila sa pagtawa lalo na noong nag-high five si Kuya Tom at Kuya Renz.

"Faye, kumain ka na muna," baling ni Ate kay Paye.

Bigla akong napatingin sa gawi ni Paye. Tumingin siya saglit sa pagkain tapos ay kay Ate Anne naman.

"Thanks but I'm not hungry."

Matamlay niyang saad tapos ay bumalik sa pagbabasa. Nagtaka naman agad sina ate at mga kuya sa inakto ni Paye. She loved eating. Agad niya itong linalantakan lalo na kung si Kuya Tom ang nagluto dahil gusto niya ang mga luto nito. Pero ngayon tinanggihan niya ito.

Napatingin sa akin si Ate Anne. I gave her a timid smile. Sa tingin ko naman ay nakuha niya ang gusto kong ipahiwatig dahil tumango siya. Tahimik na bumalik si ate sa counter. I turned to look on Faye but she didn't say anything. Nakatuon pa rin siya sa libro. Napabuntong-hininga ako at ibinaling na rin ang tingin sa mga rine-review ko.

Hindi tumagal ay may mga pumasok na iba pang customers na muling nagpa-busy sa coffee house. Pero ganoon pa rin naman ang ambiance nito sa loob, 'di nagbago.

"Hey, ladies."

Pareho kaming napalingon ni Paye sa nagsalita. Nakangiting si Tyler ang biglang umupo sa tabi ni Faye. Agad naman akong nagtaka sa biglang pagdating niya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Napatingin siya sa akin at ngumiti pa lalo. He leaned to the chair and crossed his arms against his chest. Umiling siya.

"It should be ninyo."

Agad namang kumunot ang noo ko sa pagtataka.

"What do you mean?"

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon