Chapter 4: Imaginary Creature
Lexi Ayriss
Halos tatlong araw na ang nakalilipas nang umalis si Miss Cilia para sa isang out of town. Isa pa ring misteryo sa amin ni Faye ang pag-alis niya.
Wala siyang sinabi kung saan siya pupunta o kailan siya babalik.
Basta ang sabi niya ay sekreto lang daw. Babalik naman daw siya agad kaya huwag na raw kaming mag-alala.
Sa tatlong araw na pamamahala ko sa coffee house ay hindi ko pa talaga alam kung ano ang dapat kong gawin. Nasabi naman na sa akin ni Miss Cilia ang lahat pero parang hindi pa rin kumukonekta ang isipan ko sa coffee shop. Ang sabi naman ni Faye, normal lang daw iyon dahil nagsisimula pa lang ako.
Hindi naman ako masyadong nahihirapan. Tinutulungan ako ng mga empleyado ni Miss Cilia sa pamamahala nito. Sina Ate Anne, Kuya Tom at Kuya Renz. Tinutulungan naman din ako ni Faye.
Ang sabi sa akin ni Miss Cilia, kailangan lang daw na naroon ako para tignan kung nasa ayos ang pagpapatakbo. Magbibigay lang daw ako ng mga instructions at i-che-check ang mga kailangang i-check. The rest was Ate Anne's works.
Iyon lang daw ang gagawin ko dahil hindi naman daw ako full-time sa coffee shop at marami rin akong ibang inaasikaso. Ang nais lang ni Miss Cilia ay may tumututok nito bukod sa mga empleyado niya.
"Lexi, naisara ko na ang shop."
Napatingin ako kay Kuya Tom na nakatayo sa harap ng mesa kung saan ako nakapuwesto. He placed the ring of keys on the top of the table.
"Salamat po, kuya," I said and smiled.
"Hindi ka pa ba tapos d'yan?"
Pagtatanong niya nang lumapit siya sa tabi ko at tinignan ang mga linilista at kinu-compute ko.
Nasa isang mesa ako. Nasa ayos na ang iilang mesa at naka-arrange na rin ang mga upuan. Malinis na ang kapaligiran. Nakapatay na ang ilang ilaw maliban sa may puwesto ko at sa maliit na hallway kung saan makikita ang tatlo na pinto—pinto sa office ni Miss Cilia, storage room at backroom or kitchen.
"Hindi pa, kuya."
Ipinagpatuloy ko ulit ang pagpipindot sa calculator. Si Kuya Tom ay isang barista. Isa rin siya sa tumutulong sa pag-aayos dito bago mag-uwian.
"Hindi pa ba tayo uuwi?"
Pagtatanong naman ni Kuya Renz na kalalabas lang mula sa backroom. Isa rin siyang barista pero minsan naka-base siya sa backroom.
"Gusto ko nang dumiretso sa bahay namin."
Nag-inat ito ng mga braso at sumandal sa sofa.
"Dumiretso ba ng bahay n'yo o dumiretso sa bahay ng nililigawan mo?" ani Kuya Tom at ngumisi.
"Ulol!" Natatawang binato ni Kuya Renz si Kuya Tom ng tissue, pero hindi ito umabot sa puwesto namin. "Ligawan mo na rin kasi si Anne para hindi ka naiinggit, tol."
"Mas ulol ka. Umuwi ka na nga! Nagkalat ka pa!"
Tumawa lang nang napakalakas si Kuya Renz habang si Kuya Tom ay umiwas naman ng tingin. Natawa na rin ako sa kulitan nila.
Nag-asaran pa ang dalawa at maya-maya ay nagkuwentuhan. Inasar nang inasar ni Kuya Renz si Kuya Tom kay Ate Anne. May something siguro ang dalawa. Nakikinig lang ako sa kanila, minsan ay sumasabay sa kanila sa pagtawa.
Tinatapos ko itong ginagawa ni Ate Anne kanina. Napaaga ang uwi niya dahil sa biglaang pagpasundo ng kapatid niya sa school nito. Babalik pa sana siya rito, pero sinabihan kong huwag na. Malayo ang coffee house sa bahay nila Ate Anne. Baka maipit pa ito sa traffic kaya hindi ko na lang siya pinayagan pang bumalik ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
My Genie
FantasyThree wishes are all could offer of a genie. ~•~ Date started: June 2016 Date finished: Written by: MissLovearts