Chapter 13: Acquaintance

147 53 25
                                    

Chapter 13: Acquaintance

Lexi Ayriss

Napamulat ako dahil sa biglaang pagkaramdam ng gutom. Nagpalinga-linga pa ako. Hindi ko napansing nakatulog pala ako sa kuwarto, marahil siguro sa pagod.

Luckily, Friday was the last day of our Intrams. Kaya ngayong araw, Sabado, nakapagpahinga kami. Naging matagumpay din naman ang nangyaring fund raising namin. Kaya worth it lahat ng effort at pagod.

Tumayo ako sa kama at hinanap ang cellphone ko. Nabahala naman ako nang hindi ko ito mahanap. Saan na iyon? Hawak ko lang iyon kanina bago ako abutan ng antok.

Tinignan ko ang ilalim ng unan at kumot pero wala. Lumuhod naman ako at tinignan ang ilalim ng kama. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ito roon. Paano naman kaya napunta ito rito? Ganoon na ba ako kalikot matulog?

Ewan ko lang, hindi naman ako materialistic na tao. Pero ganoon na lamang ang pag-aalala ko kung may mawala sa mga gamit ko. Hindi naman sa pagmamayabang, pero oo afford ko naman bumili ng bago. Ang tatay ko ay isang matagumpay na businessman. Ngunit lahat ng gamit ko ay may sentimental value para sa akin. Pinapahalagahan ko ang mga ito lalo na't ito ang mga ginagamit ko araw-araw. Gano'n lang siguro ako.

Ano pa nga ba ang halaga ng pera kung ang isang mahalagang alaala ay hindi kaya tumbasan nito?

Agad ko namang inabot ang cellphone ko at umupo sa kama. I swiped the screen to unlock it. Tinignan ko ang oras. It was three in the afternoon. Halos limang oras din pala akong tulog.

Then, I checked my notifications. I had fifteen missed calls from Faye and ten messages also from her. Ano naman kaya kailangan nito?

Binuksan ko ang mga massages niya.

Ayriss! Let's go to Becca's Boutique. They have new arrival!

Oh! And I heard there was a new open restaurant in the east. Punta tayo do'n!

Call me if you're done. Okay?

Answer my calls!

Are you still asleep or what?

Hey! Wake up and get dressed!

Ayriss!

Ayriss! Mr. Sun is already shining up in the sky!

Tss.

Alright. Nevermind!

Bigla naman akong natawa sa mga messages niya. Kawawa naman bespren ko. Meron pala kaming pinag-usapan kahapon. Matawagan nga. Ikalawang ring pa lang rinig ko na agad ang boses niya.

"Ayriss!"

Inilayo ko agad ang cellphone ko sa tainga. Sakit sa eardrums talaga sigaw ni Faye.

"Yes?" sagot ko.

"Bakit ngayon ka lang tumawag?"

"Kagigising ko lang," I answered when I suddenly yawned.

"Naka-silent ba phone mo?" bigla niyang tanong na parang may napagtanto.

"Hindi, bakit?"

I heard her tsked. "Tulog mantika ka talaga."

Natawa naman ako sa sinabi niya, "Sorry naman, pagod kasi."

Tumayo ako sa pagkakaupo at sinuot ang filp flops ko. Dumiretso ako ng lakad papuntang pinto ng kuwarto.

"Alis pa ba tayo?" pagtatanong niya.

"Alas-tres na, huwag na lang," sagot ko agad. Ayokong gabihin sa daan ngayon. Delikado.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon