Chapter 29: The Head Genie

44 9 5
                                    

Chapter 29: The Head Genie

Lexi Ayriss

Pinagmasdan ko ang pinto. Ito ang pinto ng condo na nakita ko noong isang linggo. Muling bumaba ang tingin ko sa hawak na papel.

Werthiem Heights. 6th floor. Fourth door from the elevator.

Huminga muna ako nang malalim bago kumilos. Kumatok ako, pero walang may sumagot. Kumatok ulit ako, pero wala pa rin. No choice na nga talaga ako kun'di ang gamitin ang susi na ibinigay sa akin ni Tyler.

"He's in bad shape. You better take a visit."

Ano ba kasing klaseng parusa ang natanggap niya?

I grasped the cold knob firmly. Binuksan ko ang wooden door. Madilim ang buong lugar at napakatahimik rin. Fear trickled me when I heard someone growl. Nagmumula iyon sa kanang pinto.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Even in this room, it was too dark. Muli kong narinig ang mga maliliit na ungol, parang may iniindang sakit. Inilibot ko ang aking paningin. I saw Ken lying at the front of the bathroom's door. Agad akong lumapit sa kanya.

"Ken!"

But only low deep moans of pain were his response. Nakahandusay siya sa sahig habang namimilipit sa sakit.

Pilit kong binuhat si Ken papunta sa kama niya. Panay ang ngiwi ko. I didn't know this man could be this heavy. Akala ko nagbubuhat ako ng dalawang sako ng bigas.

Matagumpay ko naman siyang naipahiga sa kama niya. Pinagmasdan ko siya. His eyes were totally shut. His forehead was crumpled because of great pain. He kept on clenching the bedsheet under him. He was in severe condition. Nakagat ko ang labi ko. Ano ang dapat kong gawin?

"Ken, ano ang masakit?" mahina kong tanong.

Bigla siyang sumigaw at napahawak sa ulo niya. Sumigaw siya nang sumigaw habang sinasabunutan ang buhok niya. Natataranta naman akong hinawakan ang kamay niya. Pinipigilan siya sa ginagawa.

"Ken! Tama na!"

Pilit kong inilalayo ang kamay niya. Nasa ilalim ng matinding sakit si Ken. Hindi ko mapigilang masaktan habang nakikita siyang pinagdadaanan ang dapat na parusa ko.

Tahimik nang natutulog si Ken. Pinigilan ko lang siya hanggang sa mapagod siya nang tuluyan at makatulog. It took almost half an hour. Panay pa rin ang daing ni Ken kahit natutulog na siya.

Ang parusa niya ay katulad kay Tyler. Wala rin siyang kapangyarihan ng dalawang linggo. Ang sakit naman na nararamdaman niya ay ang dapat na parusa ko, pero dahil inako niya ito naging doble ang epekto nito sa kanya. His body was consuming the powers within him and it drained his own strength that is why he was too weak to move. At the same time, the capacity of his power was sinking into his nerves to his brain. Kaya sumasakit ang ulo niya. Iyon ang sabi sa akin ni Tyler pero hindi ko inaakala na ganito pala katindi.

Isang linggo na ang nakalilipas mula noong nagsimula ang parusa sa kanila. Isang linggo na rin niya ba ito iniinda?

Nang masiguro kong mahimbing na siyang natutulog, lumabas ako sa kuwarto niya. Hinawi ko ang mga kurtina sa bintana upang pumasok naman ang liwanag sa loob. I went to his kitchen and it was too quiet. Not just the ambiance but also the design. The shelves were almost empty. The neutral colors around the kitchen were too empty. Maganda ang interior pero halos wala namang laman.

Binuksan ko ang mga overhead cabinets, iilan lamang ang laman at kahit ang mismong refrigerator niya ay ganoon rin. Seriously, marunong ba siyang pumunta sa supermarket? Napansin ko ang basurahan sa gilid at puno ito ng walang laman na instant cup noodles. Nakaramdam ako ng inis.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon