VINCE's POV
Yes! Napapayag ko rin si Jonas. Sa wakas. Ayun, nagpaplano kami kung ano ang dapat naming gawin. Ano nga ba dapat??
"Jonas, ayusin mo gown niya ha?"
"So ngayon, pinagduduhan mo pagka designer ko?Lumayas ka dito!..... Di joke lang. Ang sama mong makapagsalita. Hindi kaya maayos kasi iba ang gusto ni Bessie."
"Iba ang gusto? What do you mean? Please Jonas, tell me!"
Para na akong batang nagmamakaawa. Ganyan eh. Pag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat mapasaya lang siya.
"Si Chanelle ang dali maniwala sa mga happy endings. Kaya ayun, kabaliktaran ang nangyari."
"Huh?"
"Sinaktan lang naman kasi siya ni Marco. Jowa niya sa France. Ayun, parang manhid. Nagkaroon ng amnesia daw. Ewan ko ba sa kanya. Muntik na nga rin ako makalimutan. Buti na lang talaga at di natuloy."
Lecheng Marco yan! Dahil sa kanya, di na tuloy ako maalala ni Chanelle. Share ko lang talaga sa inyo ha. Mag MMK na tayo. So gay but I just want to let out my feelings. Ganun talaga ako pag nagmamahal.
Noong third year kami sa highschool, nagkaroon kami ng play. Syempre, matagal kaming umuuwi so minsan nagkakasabay kami ng mga casts. So ayun, isang gabi, naabutan ko si Chanelle na tulala sa may gate. Ang lalim nga ng iniisip. Syempre dumadamoves rin ako pero inuunahan talaga ako ni torpe eh. Alam niyo ba na nerd din ako nun kaya lang nerd na cool. Kaya I'm popular noon.
Pinuntahan ko siya tinanong ko kung okay lang ba siya. Sabi nga niya na ok lang daw pero di siya mapakali. Nahawakan niya yung kamay ko tas nagtanong siya na pano mo malalaman kung magmamahal ka na. Shocked nga ako sa sinabi niya. Isang nerd, maiinlove? Syempre naman, tao rin naman siya. Naiinlove na talaga ako sa kanya ng sobra. Hindi ko masabi-sabi sa kanya kasi nga alam niyo n ang rason.
"Hoy Vince! Nagfaflashback ka na naman dyan. Tigilan mo na yan at magplano ka na bago mahuli ang lahat. You have to marry her!"
"What do you mean?"
"One month lang siya dito sa Philippines. Gets mo?"
No way. One month lang siya dito? One week na ang nakalipas. May natitira pa akong weeks. Kailangan na talaga makasal na kami.
And I have to make her mine. Mine only!
--------------------------------------------
---------
BINABASA MO ANG
I'm Married to a Stranger!
General Fiction"Yes, that girl. She's going to be my wife." Nang dahil dun, my life twisted. My life turned upside down. Ano kayang mangyayari sakin if I'm Married to a Stranger? All rights reserved 2013 Any characters or events that are similar to real life or o...