32. Everything

6.9K 80 5
                                    

AN: Pasensya na po talaga sa sobrang bagal na update. Nawawalan na po ako ng motivation at inspiration. Tulong guys! Tsaka nag-one year na ang story ko tas di pa ito tapos. Ang bagal ni author. Mas mabagal pa kay manong pagong. Hay naku.

Please do read He's My Unexpected Love. Ipromote niyo din yon para maexpose sa mga readers. HahahaXD. I think hanggang twenty-five chapters lang iyon eh.

Second sem na pala. Mas marami na akong haharapin sa Math subjects namin. The perks of being an engineering.

PS. Please read the note at the last part of this story. 

CHANELLE's POV

"Drake, mag-usap naman tayo oh." nasa pintuan ako ng kwarto niya. Hindi pa rin kasi siya lumalabas eh. Hindi ko muna pinuntahan si Vince dahil kailangan ko pang iresolba ang issue namin ni Drake. I just can't leave him na magkagalit pa rin kami.

"Drake please naman oh." nagmamakaawa kong sabi sa kanya. I don't have a spare key for his room kaya mahihirapan talaga akong makapasok. Ayokong habang buhay kaming magkagalit.

Biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa nito si Drake na may bagahe sa gilid niya.

"I'm going to leave, Chanelle." malamig na sabi niya sa akin. No, no, no. This can't be happening. Hindi siya pwedeng umalis na magkagalit kami.

"Drake, mag-usap naman tayo oh. Wag ka munang umalis." sabi ko sa kanya.

"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan?" malamig na namang sabi niya. Kainis naman oh.

"I-I wanted to say sorry." sabi ko tas yumuko ako dahil nahihiya ako kay Drake.

"For loving Vince? For not moving on dahil nung nakita mo siya, mas lalo mo siyang minahal? For Pete's sake Chanelle! Hindi ka nga maalala nung tao tas pinipilit mo ang sarili mo sa kanya! And what kung maalala ka niya, irereject ka na naman tas pupunta ka sa amin para makalimot tas babalik ka na naman dito?" sinampal ko siya pagkatapos niyang magsalita. How could he?!

"Kung alam ko lang na ganyan ang ugali mo, sana hindi na lang kita nakilala. Nakakapagod na kayo." hindi ko na napigilan pero umiyak na ako. Pagod na ako. Pagod na ako sa lahat ng mga nangyayari.

"Hindi m-mo alam k-kung gaano ka-kabigat itong d-dinadala ko. Sabi mo n-na selfish ka. No, you're not b-being selfish. You're being im-immature." sabi ko.

"Chanelle." sabi niya.

"You're being immature. Kung hindi mo man matanggap ang sorry ko. Eh di sorry ulit hanggang sa mapatawad mo and after that, you can leave just like what you wanted to do earlier." tinitigan ko lang siya kahit na namamaga ang mga mata ko sa kakaiyak. His eyes were sad and worried. Kung ayaw niya talaga tanggapin ang sorry ko, eh di wag. Bahala siya.

"I-I'm sorry Chanelle. I- I was being cruel with my words." nakayukong sabi niya.

"I'm asking for your forgiveness Drake and yet napaka ma-pride mo. Ikaw ba talaga ang Drake na nakilala ko?" galit ma sumbat ko sa kanya.

"Nilamon na ako ng selos at galit Chanelle. Mahal kita pero pinagpipilitan ko pa na mahalin mo rin ako kahit na alam kong ang gagong Vince na yon ang mahal mo. Kaya sorry. Sana mapatawad mo din ako sa mga sinabi ko sayo." sabi niya. Naluluha na naman ako. Kainis tong luha na to!

"Oo na. Pinapatawad naman kita eh pero Drake sana naman, bawasan mo yung pagseselos mo." sabi ko sa kanya. Bakit ba naging ganito ang sitwasyon ko ngayon? Naming tatlo?

Matagal kaming nagkatinginan. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya but I really hope na this whole thing will be fixed.

"So bati na tayo?" tanong ko.

I'm Married to a Stranger!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon