29. Kutob

6.3K 79 3
                                    

AN: Natatawa ako talaga sa mga comments niyo po. Lol. HahahahXD Anyways, ang OA ko. Umiyak talaga ako sa "A Place in Time" ni j_harry08. Ang masaklap pa dun ay nasa school po ako nung time na iyon tas akala ng mga classmates ko kung may nangyaring masama sakin. HahahahXD lol. Read my new story po entitled "HE'S MY UNEXPECTED LOVE". Ongoing pa yan. Try niyo lang basahin.

Beware of wrong grammars and spelling.

VOTE. COMMENT. BE A FAN.

----------------------------------------------------------------------------------------

VINCE's POV

Tangna! Kanina ko pa tinitignan sila! Ako lang ang dapat humawak sa mga kamay niya. She's definitely mine but Fvck! She's with another man. Kanina pa akong naiinis ni Steph. Dikit kasi ng dikit sakin.

"Vince, may problema bah?" tanong niya while she try to intertwined her fingers to mine but I refuse.

"Will you stop Steph?! Kanina ko pa gustong pumatay ng tao!" galit na sabi. Buti at tumahimik na rin siya. Nagsimula na ang show pero ang mga mata ko ay tutok na tutok sa kanya. Alam kong tinitignan din ako ng lalaking kanina pa pisil ng pisil sa mga kamay. Gusto ko na talaga siyang suntukin.

Wala akong ibang iniisip kundi siya lang. Pagkatapos lumabas lahat ng mga models ay tinawag ng host si Chanelle.

"Hindi ko aakalain na ganito pala ang kalalabasan nito. Sobrang nagpapasalamat ako sa inyo dahil... nagustuhan niyo ang mga munti kong designs." sabi niya. Gusto ko siyang yakapin. Gustong sabihin sa kanya kung gano ako ka-proud sa kanya. Gusto ko siyang mahalikan dito mismo sa loob at isigaw na proud ako sa kanya! Pero tangna! Di ko rin yon masasabi. Bigla siyang natahimik at tumingin sa direksyon ko.

"*hik* Thank you." sabi niya at bumalik sa pwesto niya. Alam kong gusto niyang umiyak. Gulat na gulat siya nung nakita niya ako.

~IMTAS~

Matapos ang show ay agad akong umalis sa pwesto ko para lapitan si Chanelle. I don't wanna lose this chance again. Ayoko ng magpakagago ulit.

Papunta na ako sa kinaroroonan niya pero di ko siya makita. Wala din ang kasama niyang lalaki. Fvck! Nahuli na naman ako.

"Vince, san ka pupunta?" Sabi ni Steph. Hinarap ko siya sa kabila ng nagdudumog na mga tao dito sa tabi ko.

"Bakit? Sasamahan mo ako sa impyerno?" galit na sabi. Sawa na ako. Sawa na talaga ako sa panggigipit niya sakin at sa kompanya ko. Natahimik siya sa sinabi ko at umalis na ako sa pwesto ko para lumabas.

Napunta ako sa likod ng building. May garden ito. Tangna! Gusto ko magsisigaw dito. Nagseselos ako sa lalakeng kasama ni Chanelle kanina.

Lakad ako ng lakad hanggang sa nakarating ako sa isang sulok dito sa garden. Lumapit ako. Hindi ako maaaring magkamali. Umiiyak siya. Alam ko. Alam ko na ako ang dahilan niyan. Mabilis akong.lumapit sa kanya at niyakap siya.

CHANELLE's POV

"Chanelle..." sabi niya. At ang kapal naman talaga ng mukha niyang yakapin ako.

"Ano na naman ba ang gusto mo?" galit na sabi ko. Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa mga mata ko kanina. Gusto konv umalis dito kaya nagsimula na akong maglakad.

"C-chanelle, wait. Please, mag-usap na naman tayo oh." pag-aawa niya.

Huminto ako sa paglakad ko. Hinarap ko siya at...

"Ano pa ba ang gusto mo Vince? Tangna! Si Steph, siya ba ang dahilan para hiwalayan mo ko? Siya ba ha?! Vince naman eh!" at nagsimula ng mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko.

I'm Married to a Stranger!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon