30. Shit

6.2K 88 3
                                    

AN: It's been a while.

~~~~

STEPH's POV

It hurts. Kahit anong gawin ko, hindi ko maagaw ang pagmamahal ni Vince para kay Chanelle. He told me she's his first love before I became a shitty head. Panira ako. Oo. Ako na yon. Love and jealousy took me to become like this. Mahal ko si Vince. Naiinggit ako kay Chanelle. Bakit ba napakahirap mahanap ang kaligayahan? I deserve to be happy and yet, ba't may harang?

Umalis na kami sa fashion show. Tahimik lang sa pagdadrive si Vince habang ako naman ay tumitingin sa labas. Tao rin naman ako, nagmamahal at nasasaktan dahil sa isang taong hindi masusuklian ang pagmamahal ko.

"V-vince..." mahinang sabi ko. He didin't utter a word. Malalim na hininga lang ang nilabas niya. Galit siya. I know and that's because of me.

"I--" napatigil ako sa pagsasalita nang magsalita siya.

"Ano? Di ba yun naman ang gusto mo? Masaya ka na?" galit na sabi nito. I wanted to shout at him at let him know what am I feeling today. Ba't kailangan niya pang ipamukha sakin?

CHANELLE's POV

I thought marrying you will make my life worst, pero nung naghiwalay tayo... Para akong namatay. Unti-unti akong nilalamon ng lungkot. Minahal na pala kita at ang tanga ko dahil ang tagal bago ko narealized how much you mean to me. And it breaks my heart when you said you want an annulment.

"Chanelle, are you okay?" tanong ni Jonas sakin. We were in this little park somewhere down the road. Sinama niya kasi ako para daw makapagrelax ako. Naiwan sa bahay si Drake. Nanibago talaga ako sa ikinikilos ni Drake kanina.

"Drake, isasama ko si Chanelle okay?!" tanong ni Jonas sa kanya. Bumisita kasi sa bahay si Jonas. Nakaalis naman si Zen dahil may pinuntahan pa siya pero hindi si Steph okay.

"What?! At san mo naman siya dadalhin? Sa tarantadong iyon?!" singhal niya kay Jonas na siya namang ikinagulat nito. Napaubo ako sa pagkagulat. Umiinom kasi ako ng tubig. Andito ako sa kusina pero rinig na rinig ko pa rin ang pinag-uusapan nilang dalawa. Pinuntahan ko na sila baka kung ano na ang mangyari. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Jonas pero alam kong hindi niya ako dadalhin kay Vince. Tinignan ko si Drake. Galit siya. Makikita mo sa aura niya na galit ito. Nagkatitigan kami pero agad siyang umiwas.

"Fine! But don't let him be near at Chanelle nor touch her or else I'll kill you!" sabi niya at nagwalk-out na siya.

"Natatawa pa rin ako kay Drake, best. Natural actor eh. Dadalhin ka kay Vince? Asa. Ang tanga naman niya at ganun ba talaga ang tingin niya sakin? Ganun rin ba ako ka insensitive? Napakawalang-hiya niya. Buti nalang at gwapo siya kundi nabugbog ko na yon." inis na inis na sabi ni Jonas. Pero alam niyo, natutuwa ako sa sinabi niya kanina. HahahaXD.

"Alam mo best, dun mo sabihin sa kanya lahat ng mga inis mo. Wag sakin mo yan ibuntong" sabi ko sa kanya.

"Best, pag pinapili ka, kunwari lang okay. Sino sa kanilang dalawa? Si Vince o si Drake?" tanong ni Jonas na ikinagulat ko talaga. Ba't naman nag-open siya ng topic na ganyan. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko.

"Hindi ko alam best." diretsang sabi ko kay Jonas. Hindi ko maisip kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin. Ang hirap kaya.

"By the way, babalik na ba kayo ni Drake dun?" tanong niya. Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Pero ewan ko ba, parang ayokong bumalik doon. Ngayon ko lang naisip na ang duwag ko pala at talagang nagpakalayo pa ako. Si Chanelle? Hindi siya duwag. Hindi siya tumatakas sa kanyang mga problema. At hindi ako si Chanelle ngayon.

I'm Married to a Stranger!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon