AN: Woah! Tapos na ang test namin. Nairaos din ang Physics nga tol! Kakanosebleed naman sa English. At lintek, namental block ako sa Math. Hay, sorry sa matagal na update. Neways happy 4k!
Beware of wrong grammars and spelling.
VOTE. COMMENT. BE A FAN.
----------------------------------------------------------------------------------------
CHANELLE's POV
"Drake?" sabi ko. Bigla na lang kasing sumusulpot.
"Ba't pangalan ko ang sinabi mo? Aba't close tayo? Hindi naman ah." sabi niya. What a weird guy. Nagpapatawa ba to o pinapagalitan ako?
"Eh sa hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo." sabi ko.
"Ba't nandito ka?" pag-iiba niya.
"Nagpapahangin, di ba obvious?" taray na sabi ko. Ang totoo niyan namimiss ko si Vince.
"Tsk."
"Ah s-salamat pala sa jacket." sabi ko. May manners pa rin naman ako noh.
"Tss.=.=" Suki na siya ng ganyang expression ha. Grabe to.
"Drake, anak! Hala maghugas ka dito ng mga pinggan." sigaw ni Manang Gracia.
"Opo!" sagot niya. Naiwan na naman ako mag-isa dito. Hay. Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Malapit na ang fashion week. Nagtext nga sakin si Jonas na dapat present ako dun. Hay. Di ko feel pumunta doon. Baka...
Bumalik ako sa bahay pumunta sa kwarto ko. Inaantok na ako. Maaga pa naman pero antok na antok na ako.
KINABUKASAN
Maaga akong nagising. Magsusunrise pa kasi kaya lumabas ako sa bahay tsaka naisip ko na dalhin yung sketch pad ko.
Paglabas ko sa bahay, ang ganda ng view. Hindi nga nagkamali si Manang. Nagpakawala ako ng buntong-hininga.
I missed him so much. I missed his kisses. I missed the way he hugged me. Pero sa isang iglap, nawala lahat. Ang sakit. May luha na namang pumapatak. Malakas pa rin kasi siya sa puso ko eh.
Drinawing ko na lang kung ano yung nararamdaman ko. Sa drawing ko may isang babaeng nakikipaghabulan sa paruparo pero kahit anong pilit niyang kunin to ay di niya magawa. Kahit na napakalapit ng paruparo, di pa rin niya ito makuha.
Nang tatayo sana ay bigla akong pinaupo pabalik.
"Kahit di ko gusto yan drawing mo, okay na yan. Matyatyagaan na yan. Magdrawing ka pa ng iba. Yung masaya." sabi niya. Teka, si Drake?
Lumingin ako at siya nga. Ang walang ka.emote emote na lalaki. Hay. Grabe. Ngayon lang ako naka.encounter ng ganito. Pero dapat nga masanay na ako sa kanya.
"B-ba't ka nandito?" utal kong tanong. Naiinis ako sa kanya dahil sinaway lang niya ang ginawa ko. Hoy! Fyi, ang hirap kaya nito. Try mo. Buti na lang at magaling ako magdrawing. Kaya nga fashion designer ako.
"Bawal?" tipid niyang sagot.
"Sabi ko nga. Tss." sagot ko.
BINABASA MO ANG
I'm Married to a Stranger!
General Fiction"Yes, that girl. She's going to be my wife." Nang dahil dun, my life twisted. My life turned upside down. Ano kayang mangyayari sakin if I'm Married to a Stranger? All rights reserved 2013 Any characters or events that are similar to real life or o...