AN: Thanks sa mga nagbabasa ng IMTAS. Lalong dumadami ang reads. Yehey! Happy na ako. And also, magcomment naman kayo if nagustuhan niyo or di kayo satisfied kasi I want my readers na satisfied sa binabasa nila. Kailangan ko din ng inspiration guys kasi nakamove-on na ako kay long time crush. Hihihi. Sawa na ako sa one-sided love. Yun lang. Hahaha
~~~
VINCE's POV
"Shit!" hindi ako tumigil sa pagsasalita ko ng shit. Eh nakakabwisit naman talaga! Ba't ba yun ang naging alibi ko? Ugh!
"Vince! Ano ba ang pinagsasasabi mo kanina? Andyan na nga ang asawa mo tas ibang babae ang hinahanap mo? At nag ala may amnesia ka pa? What's wrong with you son?" singhal ni mama sakin. You're so stupid Vince.
Pagkagising ko kanina, mixed emotions lahat. Hindi ako makapaniwala na andyan siya sa tabi ko. Ang saya-saya ko pero ang bigat sa loob na pumunta siya dito dahil naaksidente ako. Siguro araw-arawin ko to para bisitahin niya ako. I badly missed her. Lahat sa kanya namimiss ko. If I can just turn back in time, lahat gagawin ko mabawi lang siya.
"I'm sorry okay, nabigla ako ma na nandyan siya. Gusto ko siyang yakapin-" nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Peste. I'm so gay.
Niyakap agad ako ni mama. "Nak, I understand. Magpahinga ka muna."
"Ma, can you call Chanelle. I want to talk to her." sabi ko.
"Why? You'll tell her na nabigla ka kaya yun ang nasabi mo?" tanong ni mama.
"No. I won't tell her. Selfish na kung selfish but I think this is my way to own her again."
CHANELLE's POV
Taeng Vince na yon. Ba't ba nagka-amnesia pa yon? Nasa labas ako ngayon sa silid ni Vince. Kasama ko ngayon ang papa niya.
"Iha, alam ko na ang dami niyong pinagdaanan." panimula ng papa niya.
"Oo nga po eh. Sakit sa ulo talaga ang anak niyo tas ngayon nagka amnesia pa." sabi ko. Natawa naman ang papa niya. Pero biglang nawala ang tawa at napalitan ng seryosong mukha.
"But iha, my son is not perfect. Nagkakamali din siya. May pagka bangag nga ang batang yon but maaasahan siya. Kahit nga na hindi mo agad siya minahal pero nagpursige pa rin siya." sabi niya. Wait, teka alam niya na in the first place, aksidente lang ang nangyaring proposal at kasalan?
"Pano niyo po-" di ko na natapos dahil nagsalita na ito.
"Vince. He told me. Ayaw niya kasing maglihim. His mom, ay naku nagalit nga sa simula but when she discovered na it's you, approved na agad sa kanya ang kasal." sabi niya. Kaya pala. Ayaw niyang maglihim pero bakit naglihim siya sakin sa banta ni Steph?
"Why not give him a second chance iha?" sabi ng papa niya. Second chance? Hindi ko alam.
Naputol na lang ang pag-uusap namin dahil lumabas si tita sa silid ni Vince. Ngumiti muna siya sakin at sa asawa niya. Lumapit siya sa amin.
"Iha, why not go inside his room. Tell him who are you in his life. Baka maalala ka niya. Di ba sabi ng doktor na baka may memory loss siya but that doesn't mean na mawawala na lahat." sabi ni tita. Siguro but I won't assume. Baka si Steph na naman ang maalala niya sa akin. Ayoko nun. Masakit.
Masakit? Mahal ko pa nga ba siya?
~IMTAS~
"Vince?"
Pagpasok ko, tinulugan ako. Walang hiya. Sayang ang effort ko. Umupo ako sa tabi niya. Siya pa rin ang Vince na nakita ko since that day na bumalik ako sa Pilipinas. Ang amo ng mukha niya kapag natutulog. Sarap kurutin ng pisngi niya. Hahaha. Ba't nga ba kami humatong sa ganito? Kung kelan... Hay naku. Past is past.
BINABASA MO ANG
I'm Married to a Stranger!
General Fiction"Yes, that girl. She's going to be my wife." Nang dahil dun, my life twisted. My life turned upside down. Ano kayang mangyayari sakin if I'm Married to a Stranger? All rights reserved 2013 Any characters or events that are similar to real life or o...