01: Everything went Black
Eira Nathalie's POV
Nandito ako ngayon sa bahay ng best friend slash ultimate crush ko, pero syempre hindi nya alam yun.
Naabutan ko syang malawak na abot hanggang tenga ang ngiti sa sala nila.
"Hoy! Ang lawak ng ngiti mo ah!" Bati ko sa kanya na nagpabalik sa huwisyo nya.
"U-uy! Nandyan ka pala!" Bati nya pabalik.
"Ay Hindi! Picture frame lang nakikita mo." Sarkastikong sabi ko.
"Tsk." Sabi nya na mukhang iritado.
I rolled my eyes as a respond. Psh samantalang kanina ang lawak ng ngiti!
Umupo ako sa sofa katabi nya pagkatapos ay humarap sa kanya.
"Oh, eh bakit kanina ngiting ngiti ka tapos ngayon iritado ka!"
"Sinagot nako ni Ynna." nakangiting sabi nya.
Gusto kong maiyak sa narinig ko.
Ganito pala yung feeling! Ang sakit eh parang tinusok ng isang milyong needles yung heart ko.
Isang taon na nya nililigawan si Ynna at sa isang taon na 'yon ay palagi syang nagpapatulong sakin.
Kesyo ano daw yung mga type ng babae, mga magandang romantic place and etc
Akala ko ay walang balak si Ynna na sagutin si Ethan dahil mahigit isang taon na'to nanliligaw.
And ayoko din sya para Kay Ethan dahil napakasama ng buong kalooban nito (mula kidneys hanggang sa mga intestines nya Djk)
"Uy ayos ka lang?" Tanong nya sakin sabay snap sa harapan ko.
"Ay intestines!" Reaction ko ng mabalik sa mundong Earth.
"HAHAHA!" -Sya.
"HOY! ANONG TINATAWA-TAWA MO DYAN?!" Grabe naman kasi kung makatawa nakahawak pa sa tyan nya.
"HAHA!..You." Sabay turo nya sakin habang tumatawa pa din.
"Anong Me!?" -ako
"Priceless kasi yung reaction mo kanina nung sinabi mo yung 'Ay intestines'." Natatawang sabi nya habang ginagaya yung boses ko.
Pauwi na ako ngayon at hinatid ako ni Ethan papauwi. Baka daw kung mapano pa'ko.
Kinikilig ang baby fats ko hahaha
Sinabi ko na maglakad na lang kami dahil sa kabilang subdivision lang naman ang bahay namin.
And syempre para mas matagal ko syang makasama hahaha ang landi ko.
"Sige pasok nako. Ingat ka." Pagpapaalam ko ng nasa tapat nako ng gate namin.
Nag-nod lang sya.
Pagpasok ko sa gate ay may narinig akong nag-uusap kaya napa-step backward ako ng marinig ko ang mga pamilyar na boses na nagtatalo.
Pero bakit?
Bakit nandito ang Daddy ni Ethan? At bakit sila nagtatalo ni Mommy.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko, dahil sa dami ng mga katanungan na tumatakbo sa isip ko na gusto kong masagot.
Kaya nag- eavesdrop ako..
"Nio umalis ka na! Hindi ka namin kailangan ng anak ko!"
"Anak ko rin sya Elle!! Kaya wag mo tanggalin ang karapatan ko maging Ama nya!"
"After you left us without saying any reasons? You still have the guts to say th--"
Naputol ang sasabihin ni Mommy ng mabaling ang paningin nya sakin.
Ngayon ko lang napansin na sunod-sunod na pala ang pag-agos ng mga luha ko.
"EIRA!!" sigaw ni Mommy ng tumakbo ako mula sa kinatatayuan ko.
Sobrang sakit malaman na yung taong matagal kong kinamuhian dahil sa pang-iiwan sa amin ay bigla na lang babalik na parang walang nangyari.
Hindi nya alam kung gaano kasakit na lumaki ng walang gumagabay na ama sa tabi mo.
Na naiinggit ka sa mga taong may kumpletong pamilya.
Patuloy ako sa pagtakbo habang nag-uunahan ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko.
Medyo blurry na ang paningin ko dahil sa mga luhang pumapatak sa mata ko.
Paglingon ko..
"MISS!!!"
That was the last word I've heard before everything went black.
BINABASA MO ANG
Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)
Teen FictionIsang babaeng handang gawin ang lahat para lang madugtungan ang kanyang buhay. At Isang lalakeng walang pakialam sa buhay, na yung tipong 'living young, wild, and free' ang motto sa buhay. Pano kung pagtagpuin sila ng kapalaran. Matulungan kaya nila...