MOTSB 06

885 23 0
                                    

06: Flames


EIRA'S POV

Dalawang linggo na ang lumipas pero hindi ko pa din sya nakikita.

Gusto ko nang sumuko, pero kailangan ko pa ding subukan dahil marami pa naman ang mga araw na natitira.

Nandito ako ngayon sa Hospital kung saan ako naka confine.

Pagtinititignan ko ang sarili ko ay naaawa ako sa kalagayan ko.

Hays. Ewan ko ba kung bakit kailangan ako pa?

Naging mabait naman ako ah!

Lalabas muna ako ng kwartong to, kailangan kong gumawa ng paraan para mahanap ko ang lalaking yun.

Kasalukuyan akong naglalakad sa may hallway ng mahagip ng mga mata ko si Ethan.

Ang swerte ko sa kanya dahil kita ko ang pagiging concern nya. Na kahit alam kong madami syang ginagawa ay binibisita nya pa din ako.

Habang naglalakad si Ethan ay may napansin akong nahulog na papel sa bulsa ng pants nya.

Dadamputin ko na sana para basahin, kaso biglang nilipad.

Ehem hindi po ako chismosa curious lang haha.

"Uy! Teka lang!" Sabi ko habang hinahabol yung papel.

Nangmaabutan ko ito ay tinapakan ko para hindi na liparin.

Umupo ako para basahin yun.

And paksyet lang hindi ko inaasahan ang laman ng papel na to!

Bakit napunta to sakanya?!!

Alam nyo kung ano yung laman nung papel?

Flames lang naman ng pangalan ko at pangalan nya na ang kilabasan ay Married.

Takte! Edi ibig sabihin nakita nya tong kagagahan ko?!

Nakakahiya naman. Parang ayoko na bumalik sa katawan ko.

"Get out of my way."

Ano na lang ipapalusot ko pagtinanong nya sakin yun?

"Hoy babae alis dyan!"

Ang ingay naman nun. Nag eecho yung boses nya sa hallway eh.

Pero nevermind wala din naman akong magagawa kung sasawayin ko yun hindi din naman ako makikita o maririnig dahil spirit ako.

"Bingi ka ba? Get out of my way dadaan ako."

Lumingon nako para alamin kung sino yung kanina pang nagsasalita.

And what the actual f-ck! Nananaginip ba ko?!

Totoo ba tong nasa harapan ko? S-sya ba talaga yan?

"Ano titigan mo na lang ba ko dyan?"

Napatayo ako bigla.

"Teka? Ikaw si Akihiro? Akihiro Zamora?"

"What do you care?" Supladong sagot nya.

W-weyt... s-sumagot sya?!

Ibig sabihin ba nito nakikita nya ko?

"Teka! Nakikita mo ko?!" Gulat na tanong ko.

"Are you on drugs? Ofcourse I can see you."

Para kong nabuhayan ng loob ng malaman kong nakikita nya ko.

Mas nabigyan ako ng pag asa na matapos ko ang misyon ko at makabalik ulit sa katawan ko.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon!!"

"Tss. Crazy."



AKIHIRO'S POV

"Tss. Crazy." Napapailing na lang ako sa kinikilos ng babaeng to.

Para siyang takas sa mental.

Nabaling ang atensyon ko sa nagsalita mula sa likuran ko.

"Oh Aki nandito ka lang pala." Sabi ni Gelo sabay hampas sa balikat ko.

"Kanina ka pa namin hinahanap tol eh. Sino ba kausap mo dyan." Dugtong ni Chan.

"Itong babae-- Asan na yung baliw na yun?" pagtingin ko sa direksyon ng babaeng kausap ko kanina ay wala na sya.

"Alam mo dude mukhang ikaw yung baliw eh. Wala namang tao oh."

"Psh. I'm not crazy."

"Okay. Sabi mo eh." Sabi ni Chan habang nakataas ang dalawa nyang kamay.



Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon