MOTSB 08

865 21 0
                                    

08: Stalker

EIRA'S POV

"Ay Pusang Ina!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng may sumigaw sa may likuran ko.

Hindi ko na tuloy naituloy ang pagkuha sa picture frame.

Dahan dahan akong lumingon para harapin yung sumigaw.

Tsk. Nakalimutan kong nakikita nga pala nya ko.

"IKAW?!!" Parang medyo nagulat yung reaction nya ng makita nya 'ko.

"Oo. Hehe!" Ayan na lang ang naisagot ko sa tanong nya.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ko ang lalaking nasa harapan ko na walang suot na pang-itaas at mukhang kakatapos lang maligo.

Naitakip ko tuloy ang dalawang kamay ko sa magkabilang mata ko.

Ikaw ba naman makakita ng topless sa harapan mo ng biglaan.

"What the fuck are you doing here? At papano ka nakapasok dito?" Seryosong tanong nya base sa boses nya.

"Mamaya ka na nga magtanong! Magdamit ka kaya muna!" Sabi ko habang nakatakip pa din ang mga mata ko.

Pero in fairness ha ang gondo ng body nya, at may abs sya.

"Tss. Fine! Pero siguraduhin mo lang na wag kang aalis dyan."

Nang maramdaman kong wala na sya ay iminulat ko na ang mga mata ko.

"Hue. Buti naman at sumunod sya." Sabi ko na lang sa sarili ko.

After ilang minutes ay lumabas na sya sa kwarto nya at syempre nakadamit na.

Nakaupo ako ngayon sa may couch. Yung upong feel at home lang.

"Uulitin ko. Anong ginagawa mo dito? At papano ka nakapasok dito?"

"Sinundan kita." Sagot ko.

"Hoy umamin ka nga takas ka siguro sa mental?" Tanong nya na ikinagulat ko.


"Ako?" sabay turo sa sarili ko.

"Takas sa mental? Pfft! Wahahahaha!" Natatawang sabi ko habang napapahampas sa hangin.

Natigil ako sa kakatawa ng tignan nya ko ng masama.

"Okey okey. Hoy Aki! galing lang akong hospital pero hindi ako takas sa mental!"

"What did you just called me?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

"Aki? Ayun naman nickname mo diba?" Ayun kasi yung tawag sa kanya nila Chan kanina eh.

"Bakit close ba tayo?"

"Edi hiro na lang."

"Don't you dare call me hiro." Madiin nyang sabi.

"Oh sige ang haba naman kasi ng Akihiro, ayaw mong tawagin kitang Aki, ayaw mo din ng Hiro, edi Kiro na lang. Oh ayan baka umangal ka pa!?"

"Tss. Are you my stalker? Pano mo nalaman pangalan ko?"

Napatigil ako sa tanong nya.

Shets!! Anong idadahilan ko?

"Uy! Hindi ako stalker no! sa ganda kong to! U-uhm a-ano kase... Schoolmates tayo dati! Oo tama schoolmates tayo dati! kaya ayun alam ko pangalan mo."

Pagsisinungaling ko. I know masama magsinungaling pero I need to do this para hindi sya maghinala sa tunay kong katauhan.

"So what kung schoolmate kita. Ang tinatanong ko kanina pa ay kung anong ginagawa mo dito. At papano ka nakapasok?" Sabi nya na mukhang iritado na.

"U-uhm ano nakapasok ako k-kasi naiwan m-mong b-bukas yung p-pinto, at nandito ko dahil...

Naiwan mo tong handkerchief oh."

Sabay abot sa kanya ng handkerchief na may image na Angel.

Buti na lang pala naalala ko yung panyo na nahulog nya kanina, habang naglalakad sya.

"Thanks. This handkerchief is important for me." Sabi nya habang hawak yung handkerchief.

"Welcome!!! So ano friends na tayo haaaaa~" nakangiting sabi ko.

"Yeah, just shut the fuck up. Your voice is irritating."

"By the way my name is Nathalie." Pagpapakilala ko. Yung second name ko ang sinabi kong name ko.

This is my first way para magawa ko ang misyon ko.

Make friends with him. Check!



Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon