03: Day 1
EIRA'S POV
Pagkatapos kong mag- nod ay muli syang nagsalita.
"Bago ko makalimutan, ito ang pinaka- importante sa lahat. Walang pwedeng makaalam ng misyon mo. Oras na may makaalam nito ay kusa kang maglalaho at mamamatay."
Magtatanong pa sana ako kaso bigla na lang sya nawala.
Pinikit ko ang aking mga mata at napabuntong hininga ng malalim.
Pagbukas ko ng mata ko ay nagulat ako dahil nasa isang park na ako.
Teka alam ko kung saang park to, malapit lang to sa School kung saan ako napasok.
Napatingin ako sa bandang kanan ko ng may maramdaman ako na may bagay na papalapit sa akin.
Naipikit ko na lang ang mga mata ko ng mariin dahil tatama na sa mukha ko ang bola.
Teka? Bakit wala naman akong naramdaman na bola na tumama sa mukha ko?
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, nakita ko yung bata dire- diretsong tumakbo sa direksyon ko at--
What the f-*+!
Tama ba yung nakita ko? Tumagos sa katawan ko yung bata?!!
"Nandyan ka lang pala anak, akala ko kung napano ka na." Sabi ng babae dun sa batang lalake.
Totoo ba talaga to?! Spirit na lang ako?!!
Paano ko pala magagawa ang misyon ko kung hindi naman ako nakikita ng mga tao.
Kasalukuyan ako ngayong naglalakad, uuwi muna ako sa bahay dahil miss ko na ang kwarto ko.
Tsaka ko na iisipin kung paano ko magagawa ang misyon ko.
Habang naglalakad ako ay tumatagos lang sa katawan ko ang mga taong nakakasalubong ko.
Sa una ay napapapikit ako dahil feeling ko ay mabubunggo ako, pero unti unti akong nasanay kaya ngayon patuloy lang ako sa paglalakad.
Pagdating ko sa bahay si Manang Len lang ang nandoon.
"Hi Man--" babatiin ko sana si Manang Len kaso naalala ko na hindi din nya ko makikita at maririnig.
Umakyat ako sa second floor at nagpunta sa kwarto ko.
Nahiga ako sa kama habang pinag-iisipan kung paano ko magagawa ang misyon ko.
Dahil namimiss ko na ang buhay ko. Pati na rin sila Mommy at ang mga kaibigan ko.
Paano ko tutulungan ang taong yun? Baka abutin ako ng siyam siyam sa paghahanap pa lang sa kanya.
Wala kasing nabanggit si Hope kung saan ko makikita yung taong yun.
"Ano nga ba ulit pangalan nya? Aki--? Hiro--? Zamonte?? Teka parang mali." Para kong baliw na kinakausap ang sarili ko.
Napaupo ako sa kama para alalahanin kung ano yung pangalan ng lalaking binanggit ni Hope.
Nang naupo ako ay may napansin akong mini pouch na nakasabit sa balikat ko.
Tinignan ko ang laman nito at nakita ko dun yung parang sand timer, nilapag ko iyon sa may side table katabi ng picture ko.
Tapos may nakuha pa kong litrato, yun yung picture ng lalaking kailangan kong tulungan.
Binaliktad ko ang picture at may nakita akong pangalan sa likod.
"Akihiro Zamora." Basa ko sa pangalan na nakasulat sa likuran ng litrato.
Tinignan ko ng maigi yung litrato nya, Oo gwapo sya kaso masyadong mukhang seryoso.
Nabaling ang tingin ko sa suot nya. Uniform kasi yun sa School na pinapasukan ni Ethan.
Napangiti ako ng bahagya dahil sa mga nalaman ko. Mas madali kong malalaman kung saan sya makikita.
BINABASA MO ANG
Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)
Teen FictionIsang babaeng handang gawin ang lahat para lang madugtungan ang kanyang buhay. At Isang lalakeng walang pakialam sa buhay, na yung tipong 'living young, wild, and free' ang motto sa buhay. Pano kung pagtagpuin sila ng kapalaran. Matulungan kaya nila...