31。Walk Away
Eira's POV
(Day 31)
Nang maglaho si Angel Hope ay ilang minuto muna ang lumipas nang dumating si Thea.
"Bakit ka pala nandito? Saka paano kayo nagkakilala ni Ethan? Kelan? Saan?" Bungad ko sa kanya dahil sa curiousity ko.
"Wait lang. Isa lang ako at ang dami nang tanong mo." Natatawang sabi nya.
Huminga muna sya nang malalim bago nagsalita.
"Okay ganito yun, nagkakilala kami dahil sa kami ang magkapartner sa pagcompose nang kanta para sa Music. And nandito 'ko dahil ayoko pang umuwi sa amin." Medyo naging malungkot yung boses nya nang banggitin nya yung last sentence.
"Bakit? Naglayas ka?" Naguguluhang tanong ko.
Umiling sya pagkatapos ay nagsalita.
"Nope. Medyo nagtatampo kasi ako sa Parents ko dahil sa ginawa nila." Sagot nya.
"Ano ba ginawa nila?" Tanong ko.
"They want me to marry the son of their business partner. Arrange Marriage ganon. Ayoko dahil may iba kong gusto. At hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka-move on." Matamlay nyang sabi.
Biglang nasagi sa isip ko si Kiro. Parehas kasi sila nang sitwasyon, bakit may mga ganong parents?
Hindi manlang ba nila iniisip yung nararamdaman nang mga anak nila?
"Alam mo parehas kayo ni Ki--"
"Thea!"
Naputol ang sinasabi ko at napatingin sa direksyon nang nagsalita.
Lumapit sya kay Thea at chineck kung okay lang ito.
"Ayos ka lang ba? Teka, May kausap ka ba?" Sabay tingin nya sa paligid.
"A-ah. W-wala kong kausap ano ka ba! Baka naghahallucinate ka lang. Tara na nga."
Hinila na ni Thea si Ethan palayo.
Kinabukasan.
(Day 32)
Hindi kami masyado nakapag-usap kagabi ni Thea dahil nga biglang dumating si Ethan.
Kaya nandito ako ngayon at papunta sa bahay nila.
Habang papunta sa kanila ay bigla kong napahinto nang makita si Thea at...
"K-kiro?" Bulong ko sa sarili ko.
Seryoso silang nag-uusap, tapos maya-maya ay parehas silang natawa.
Bahagya akong nakaramdam nang pagkirot sa kaliwang dibdib ko.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ngayon nang mga paa ko.
Parang kusa itong kumilos at naglakad papalayo sa direksyon nila.
Thea's POV
Maaga akong gumising ngayon para makipagkita dun sa Akihiro Zamora.
Kilala sya School namin kaya wag na kayo magtaka kung paano ko sya na-contact.
Naghintay ako nang mga ilang minuto dito sa place napagkikitaan namin.
Mga sampung minuto din ang lumipas nang makarating sya.
"What do you want? Hindi ako magpapakasal sayo, hindi narinig yung sinabi ko kahapon." Malamig nyang sabi.
Aba feeling naman to. Ako rin naman ayokong makasal sa kanya no!
"Hindi yan yung sasabihin ko. At sino naman nagsabi na gusto kong magpakasal sayo?" Medyo iritadong sabi ko.
"Then what?" Tanong nya.
"Ayokong makasal sayo, and ganun ka din naman. You don't want to marry me. Kaya why don't we help each other na wag matuloy yung pesteng engagement na yan. Diba?"
Bahagya syang napaisip sandali. Bago sya sumagot.
"Okay then." Natawa ko bahagya sa sinabi nya.
"Tss. Anong nakakatawa?" Masungit nyang tanong.
"Eh kala ko naman kasi mahaba yung sasabihin mo kanina at napaisip ka pa. 'Okay then' lang namaan pala." Natatawang sabi ko.
°°°
jwinisbaeLong time no ud. Napaka dami kasing school works, kaloka. Thank you for reading. Feel free to vomments.
BINABASA MO ANG
Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)
Teen FictionIsang babaeng handang gawin ang lahat para lang madugtungan ang kanyang buhay. At Isang lalakeng walang pakialam sa buhay, na yung tipong 'living young, wild, and free' ang motto sa buhay. Pano kung pagtagpuin sila ng kapalaran. Matulungan kaya nila...