MOTSB 29

701 18 2
                                    

29。Your Fiancee

Althea's POV

(Day 31)

"Nako sorry late ako. Napasarap yung tulog ko hindi ko namalayan yung oras." Sabi ko nang makarating sa meeting place namin.

Nandito ulit kami sa may park. May dala syang gitara, habang ako nagdala nang papel at ballpen.

"Okay lang. Sanay naman akong maghintay." Sagot nya.

"Haha! Puro ka kadramahan! Magsimula na nga tayo." Sabi ko.

"Pinapatawa lang kita." Sabi nya habang nireready yung gitara nya.

Nagsimula na kaming magcompose ng kanta, ako yung gumawa nang lyrics pagkatapos ay siya yung naglagay nang tono.

Habang pinapraktis namin yung nagawa naming song ay nag ring yung phone ko.

Lumayo muna ko nang konti bago ko sagutin.

Pagtingin ko sa phone ko ay nakita ko yung pangalan ni Mommy.

"Hello po?"

("Anak, nasan ka na? Nakauwi na kami sa bahay ng Daddy mo. Umuwi ka na dahil may importante pa kaming sasabihin sa'yo.")

"Okay po."

("Okay bye. Take care.")

"Sino yung tumawag sa'yo?" Tanong ni Ethan nang makabalik ako.

"Ah si Mommy, pinapauwi na ko. Sige mauuna nako." Paalam ko.

"Teka ihahatid na kita sa inyo."

"No need. Kaya ko naman." Tanggi ko.

"Isa." Ma awtoridad nyang sabi.

"Tsk. Fine." Wala kong nagawa kundi ang pumayag.

Nang makarating na kami sa bahay ay nagpaalam nako at nag thank you na rin.

"Mom! Dad!" Bati ko sa kanila pagkatapos ay niyakap ko.

Namiss ko sila sobra.

"By the way. Ano nga po pala yung sasabihin nyong importante?" Tanong ko sa kanila.

Nag-iba yung face expression nila nang itanong ko yun.

Yung parang nag-aalangan pa kung sasabihin ba nila o hindi.

"Mom, ano po ba yun?" Seryosong tanong ko.

"Anak ikakasal ka na."

Napanganga ko sa sinabi ni Mommy.

T-totoo ba yung narinig ko?

"Ha-ha-ha. Mommy ang corny mo magjoke." Sabi ko.

"I'm not kidding Thea. Ikakasal ka na. Engage ka sa anak ng business partner namin ng Daddy mo."

Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong tulala, bakit ganun!

Ayokong magpakasal sa hindi ko kilala!

"Sa makalawa na ang engagement party nyo. Mamemeet mo mamaya ang fiancee mo."

"No! I hate you!!!" Lumabas ako nang bahay at naglakad lakad.

Bawat makikita kong bagay sa sahig ay sinisipa ko.

Nakakainis! Akala ko pa naman mahal nila ako. Tapos ganito? Ipapakasal lang nila ko sa hindi ko manlang kilala.

Kailangan kong gumawa nang paraan para hindi matuloy tong walang kwentang kasal na'to.

---
Akihiro's POV

Kasama ko ngayon yung mga kaibigan ko.

Nang may tumawag sa 'kin.

"Hello?"

("Sir pinapapunta po kayo nang Daddy mo ngayon sa office nya.")

"Okay."

Nagpaalam muna ko na mauuna nako.

Nang makarating ako sa office ni Daddy ay may nakita akong isang babae at lalaki na mga kasing edad lang din ni Daddy. At isang babae na mukhang ka age ko lang.

"Akihiro, Meet your inlaws. And your fiancee Althea Chacon." Nakangiting sabi ni Daddy.

Tss. Balak nya talagang ipagpatuloy tong pinaplano nya.

"With all due respect ma'am sir. Ibang babae ang gusto kong pakasalan at hindi po ang anak nyo." Pagkatapos ay tumalikod nako at naglakad.

"Sige. Lumabas ka nang kwartong to at kahit kailan ay hindi na kita ituturing na anak."

Napangisi ako sa sinabi nya.

Humarap ako sa direksyon nya pagkatapos ay nagsalita.

"Kelan mo ba ko itinuring na anak mo? Buong buhay ko hindi ko naramdaman na anak mo 'ko simula nang mawala sila mommy." Pagkatapos kong magsalita ay tuluyan nakong lumabas nang kwartong yun.

°°°
jwinisbae

Thanks for reading. Feel free to vomments.

Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon