MOTSB 30

717 16 0
                                    

30。Another Way

Althea's POV

(Day 31)

Gabi na at eto ko at naglalakad lakad. Sumama ako kina Mommy kanina para malaman ko kung sino yung fiancee ko.

Nagkaroon ako nang pag-asa nang marinig yung sinabi nung anak nang business partner nila Mommy.

Pwede pang hindi matuloy yung kasal dahil parehas namin ayaw yung gusto nang magulang namin.

"Thea!" Napalingon ako dahil may tumawag sakin.

At nakita ko si Ethan na papalapit sakin.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah." Tanong nya.

"W-wala naman. Ikaw bakit ka nandito?" Tanong ko pabalik.

"Ah dadaan kasi ako nang Ospital may bibisitahin ako."

"Pwede ba 'ko sumama?" Biglang tanong ko.

Ayoko lang kasing umuwi pa sa bahay. Medyo naiinis pa din ako sa parents ko dahil sa ginawa nila.

Pagpasok namin nang kwarto ay nakita ko yung babae na nakahiga sa hospital bed at maraming apparatus sa katawan.

Hindi ko masyadong kita yung mukha nang babae dahil medyo malayo yung kinatatayuan ko sa kanya.

Girlfriend kaya sya ni Ethan? Bakit wala naman syang nakwento noon nung nagtanong kami nang tungkol sa isa't isa.

Kinulbit ko si Ethan kaya napatingin sya sakin.

"Bakit?" Tanong nya.

"Girlfriend mo?" Bulong ko sapat lang para marinig nya.

"Bakit selos ka naman?" Bulong nya pabalik habang nakangiti nang nakakaloko.

Naningkit yung mga mata ko sa sinabi nya.

Konti na lang talaga at liliparin na 'ko dito sa sobrang hangin netong katabi ko.

"Umayos ka nga ng sagot mo!" Sabay hampas sa braso nya.

"Aray ang sakit nun ah! Lapitan mo kaya para makita mo. Hindi ko sya girlfriend, half sister ko sya at bestfriend na din. Kaya wag ka na magselos." Natatawang sabi nya.

Habang naglalakad ako palapit dun sa babae.

Nang makita ko yung mukha nya ay bahagya akong napaatras.

"E-eira?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Teka, s-si Eira to ah.

Maya-maya ay lumapit sakin si Ethan at magkasalubong yung kilay na parang naguguluhan.

"Magkakilala ba kayo ni Eira?" Tanong nya.

"Ah eh. Oo? Hindi? Ewan!"

Hindi ko alam yung isasagot ko dahil kahit ako mismo naguguluhan.

"Ha? Anong Oo? Hindi?" Nagtatakang tanong nya.

Maya-maya ay parang may malamig na hangin yung naramdaman ko.

Napatingin ako sa pintuan nang kwarto at nakita ko dun si Eira na nakatayo.

Parehas nanlaki yung mata namin nang makita ang isa't-isa.

"Hoy! Ayos ka lang ba sino ba tinitignan mo sa may pinto?" Napatingin ako kay Ethan nang magsalita sya.

Shiz. Hindi nga pala nya nakikita si Eira, kaya kailangan kong umakto nang normal.

"Ah w-wala."

"Nasa rooftop lang ako nang Ospital na 'to."

Rinig kong sabi ni Eira mula sa pintuan nang kwartong to.


---

Eira's POV

Nandito na ko sa may rooftop at nakatitig lang sa mga bituin habang hinihintay si Thea.

Maya-maya ay ay may tumamang liwanag sakin at pagbukas ko nang mata ko ay nakita ko si Angel Hope.

"Eira, anim na araw na lang ang natitira para sa ating dalawa." Paninimula nya.

"Eh pano ko mapapagbati ang Daddy nyo at si Kiro kung hindi ko naman pwedeng makausap ang Daddy ni Kiro." Sabi ko.

"May paraan naman eh. Gagamitin mo ang katawan nang iba, sa pamamagitan nun ay makakausap mo ang Daddy ni Hiro." Sabi nya.

"Pero pwede mo lang yun gawin kung tulog ang katawan ng taong yun. Sige mauuna na'ko." Dagdag nya.

Maya maya ay bigla na lang naglaho si Angel Hope.




°°°
jwinisbae

Hindi ko ineexpect na aabot to nang 30+ chapters. Srsly, wala akong ka ide-idea kung anong kahahantungan neto 😂 bahala na si carrot man.😂 Thank you for reading and voting. Feel free to vomments.

Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon