Epilogue
Eira's POV
One year later...
"Kiro..."
"Kiro..."
"Eira, anak wake up."
Nagmulat ako nang mga mata nang may tumapik sa pisngi ko.
"Mommy!" Niyakap ko si Mommy nang magising ako.
"Napanaginipan mo nanaman ba?" Tanong nya at tumango ako.
Matapos kong magising mula sa pagkaka-comatose ko ay palagi akong may napapanaginipang lalaki.
Blurry yung itsura nya sa panaginip ko kaya hindi ko masyadong matandaan yung itsura nya.
Sa tuwing napapanaginipan ko ang lalaking yun ay palagi kong binabanggit ang pangalang 'Kiro'
"Ngayon na ang balik natin sa Pilipinas. Okay na ba yung mga gamit mo?" Tanong ni Mommy
"Kagabi pa po ako ready." Sagot ko.
Excited nakong bumalik nang Pilipinas, miss ko na ang iba kong mga kaibigan.
Lalo na ang pinaka close kong pinsan na madalas kong kausap sa skype.
Parehas kasi kaming nag-iisang anak, kaya parang magkapatid na rin ang turingan namin.
Pumasok nako nang bathroom para gawin ang dapat gawin at pagkatapos ay chineck ko yung mga gamit ko. Baka kasi may naiwan.
Nang makasakay na kami nang Eroplano ay isinuot ko yung headphone ko at nagpatugtog.
Pagkatapos ay ipinikit ko ang mga mata ko.
"K-kiro Don't!"
"Anak gising, nandito na tayo." Gising sakin ni Mommy.
Akala ko totoo na.
Napanaginipan ko nanaman kasi yung lalaki, kinuha nya daw yung piraso ng basag na bote at ihihiwa nya na yun sa pala-pulsuhan ng kamay nya tapos bigla akong napasigaw at nagising.
"Tara na." Sabi ni Mommy.
Tumayo na 'ko at inayos ang sarili ko.
Nakita ko na kokonti na lang ang mga pasahero, siguro ay nakababa na ang iba.
Mula sa di kalayuan ay nakita ko si Daddy.
Maayos na kami ni Daddy, napatawad ko na sya sa nagawa nya.
Nalaman ko din noon na nagkaroon sya nang sakit, pero ilang araw ang nakalipas simula nang magising ako ay isang miracle daw na nawala ang sakit ni Daddy sabi nang mga doctor.
"Dad!" tawag ko kay Daddy pagkatapos ay niyakap ko sya.
Naunang bumalik saamin si Daddy dahil may mga inaasikaso syang business dito sa Pilipinas.
"Pinsan!!" Napatingin ako sa likod ni Daddy dahil sa nagsalita at nakita ko dun si Chan at Ethan na nakatayo at nakangiti.
Lumapit ako sa kanila at niyakap silang dalawa.
Simula nang magising kasi ako ay sa skype ko lang sila palagi nakakausap.
At nalaman ko din na magkaibigan pala ang dalawang to.
"May utang pa kayo sakin. Lalo ka na Ethan. Matagal mo nang alam na kapatid mo ko pero hindi mo manlang sinabi!" sabi ko habang nakayakap pa din sa kanila.
Ikinwento kasi sakin ni Daddy na matagal nang alam ni Ethan na kapatid ko sya.
"Tama na yan. Baka magkaiyakan pa kayong tatlo dyan." Natatawang sabi ni Daddy.
Habang nasa loob kami nang sasakyan ay napansin ko na sa ibang daan iniliko ni Daddy yung kotse at hindi papapunta sa bahay.
"Daddy san tayo pupunta?" Tanong ko mula sa likuran.
Si Mommy kasi ang nasa passenger seat. At si Daddy naman ang nagdadrive.
"Malalaman mo din mamaya." Sagot ni Daddy.
Bumaba kami sa tapat nang isang napakataas na building.
Bat parang familiar yung lugar na to sakin?
Feeling ko nakapunta nako dito noon.
Pumasok kami sa loob nang building at naglakad. Maya-maya ay tumigil kami sa isang condo unit.
Alangan akong napatingin kay Daddy.
"Naaalala mo yung sinabi ko sayong may surprise ako sayo? Ito Yun." May inabot sya sakin na papel kaya kinuha ko yun.
"Passcode yan nang unit mo." Nakangiting sabi ni Daddy.
"T-talaga po?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo anak. Sige mauuna na kami nang daddy mo. Tawagan mo na lang kami kung may problema." Sabi ni Mommy pagkatapos ay naglakad na sila paalis.
Inenter ko na yung passcode na nakasulat sa papel at pumasok sa loob.
Pagpasok ko ay naamaze ako sa laki ng kabuuhang unit.
Nilagay ko na sa kwarto yung mga dala kong luggages.
Ilang oras ang lumipas at nakaramdam ako nang pagka bored.
Kaya napagdesisyonan kong magpunta sa rooftop netong building.
Ang saya kasing pagmasdan nang mga bituin sa kalangitan.
Nang mapunta ako sa rooftop ay may narinig akong boses na kumakanta.
"Cause Wherever you are,
no matter how far,
I promise that I won't give up on you
They say out of sight means out of mind
But they couldn't be further from the truth
Cause I'm in love with you..."
May naapakan akong nakagawa nang kaluskos kaya saktong napalingon sya sakin nang kantahin nya yung last part.
"I'm Still In love with you."
T-teka. Bakit pamilyar yung mukha nya?
Pakiramdam ko nagkakilala na kami noon.
"N-nathalie?" Gulat na tanong nya.
Paano nya nalaman ang second name ko?
Lumapit sya sakin at bigla akong niyakap na naging dahilan nang pagbilis nang tibok nang puso ko.
"Mahal kita... ang tagal kitang hinintay." Naramdaman kong may tumulong tubig sa balikat ko.
Hindi ko namalayan na pati Ako ay tumulo na din yung luha ko.
Nang-ipikit ko ang mga mata ko ay may nagflashback sa utak ko.
S-siya...
Siya yung lalaking napapanaginipan ko simula nang magising ako mula sa pagkaka comatose.
S-si
"Kiro..." umaagos ang mga luha ko habang binabanggit ang pangalan nya.
Nakakalimot ang isip, pero hindi ang puso.
ㅡ T H E E N D.
BINABASA MO ANG
Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)
Teen FictionIsang babaeng handang gawin ang lahat para lang madugtungan ang kanyang buhay. At Isang lalakeng walang pakialam sa buhay, na yung tipong 'living young, wild, and free' ang motto sa buhay. Pano kung pagtagpuin sila ng kapalaran. Matulungan kaya nila...