MOTSB 10

854 20 1
                                    

10: Badtrip, Bad Dream

EIRA'S POV


Day 18...

"Binibisita ka. Diba may sakit ka? Kaya umayos ka dahil ako ang magiging nurse mo ngayong araw."

Hindi ko na kinailangan pang lumabas ng kwarto nya para kumuha ng makakain nya dahil meron na dito sa loob ng kwarto nya.

Buti na lang.

"Oh kumain ka na habang mainit pa." sabay tapat ko sa kanya ng kutsara sa bibig nya.

Pero hindi pa din sya umiimik. Nakatingin lang to sakin ng seryoso.

"Say Ahh- Ano kakainin mo to o sa pilitan kong isusubo sa bibig mo tong kutsara?" Mataray na tanong ko.

"Tss. Oo na kakainin na."

"Kakain ka din naman pala. Pabebe pa." Sabi ko ng maubos na yung sopas.

"Oh ilagay mo yan sa noo mo para bumaba yang lagnat mo." Sabay bato ko sa kanya ng maliit na towel na pinigaan sa maligamgam na tubig.

"Fuck! Ang init! Ayos ka din ano!" Inis na sagot nya.

Natatawa na lang ako sa reaction nya.

Actually wala naman kasi talaga akong alam masyado sa mga gagawin pag may sakit ang isang tao.

"Matulog ka na muna nang gumaling ka na!" Sabi ko sa kanya.

"Tss. Baka mamaya manyakin mo ko habang natutulog ako." Sabi nya habang nakangisi.

"Hoy ang kapal mo ah!" Sabi ko sabay bato sa kanya ng hawak na unan.

"Aray! Kanina ka pa ah! Nakakadalawa ka na!Ganyan ka ba mag- alaga ng may sakit?"

"May angal ka?!"

"Wala! Eto na nga matutulog na!" Mabilis nyang sagot ng akmang babatuhin ko ulit sya ng unan.

"Tss. Napakabrutal ng babaeng to."

"Ano yun? May sinasabi ka dyan?" Pabulong bulong pa eh rinig na rinig ko naman.

"Wala." Sabi nya sabay pikit ng mata.

Habang natutulog si Kiro ay hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha nya.

Nakangalumbaba ako habang nakatitig sakanya.

"Hayss. Alam mo? Gwapo ka. Kaso hindi ka marunong ngumiti."

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko at nag-isip ng malalim.

Bakit ganun? Parang nakita ko na kasi dati yung itsura nya?

Hindi ko lang maalala kung saan.

"D-don't leave me..."

"Don't leave me..."

Nagising ako dahil sa nagsalita.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko kanina.

Napatingin ako kay Kiro dahil may kaunting luhang umaagos sa mga mata nya habang binabanggit ang mga salitang yon.

"Don't leave me..."

"Kiro gising nanaginip ka." Sabi ko habang ginigising sya.

Nang magising na sya ay bahagya akong napaatras dahil sa seryosong Aura nya.

Ang seryoso kasi ng itsura nya at hindi mo mababasa kung ano ang iniisip nya.

"Umuwi ka na." Seryosong sabi nya.

"Pero hindi ka pa magaling Kiro." Protesta ko.

"Ayos nako. Hindi mo ko obligasyon kaya umuwi ka na."

"P..pero--"

"Gusto kong mapag-isa. Kaya labas na." Pinutol nya yung sasabihin ko at Seryosong nagsalita.

Binuksan nya yung pinto ng kwarto nya para palabasin ako.

"O-okay." Ayan na lang ang naisagot ko.

Habang naglalakad ako papuntang park ay hindi ko maiwasang maisip kung bakit ganun na lang yung inakto nya paggising nya.

Parang kanina lang medyo mabait pa sya. Tapos paggising nya ang sungit na!

Hindi kaya may napanaginipan syang hindi maganda?

"Pero kahit na! Ang rude nya kaya!" Sabi ko sabay sipa dun sa nadaanan kong thin can.

"Hmmmp! Ako na nga tong nagmamaganda'ng loob sya pa yung galit!"

Para nanaman akong baliw na nagsasalita kausap ang sarili ko.

Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon