MOTSB 22

701 18 0
                                    

22: We'll Help Each Other



EIRA'S POV

Day 26...

Gabi na ngayon at nandito ko sa kwarto ko kaharap si Angel Hope.

Marami kasi akong itatanong sa kanya tungkol sa mga nangyari sakin kanina.


[Flashback...]

Akmang palabas nako nang kwarto kung nasaan si Daddy.

Pero nagulat ako nang hindi ako tumagos sa may pader nang kwartong to.

"Ouch!" Sigaw ko nang mauntog ako.

Ano bang nangyayare? Bakit hindi ako makalusot?

Ang sakit nang ulo ko! Peste ang lakas nang pagkakauntog ko kanina! >_<

Maya maya ay bumukas yung pinto at nakita ko si Ethan na pumasok. Umalis kasi sya kanina, at kakabalik nya lang ngayon.

Naiwang bukas ang pinto nang kwartong to kaya nakalabas nako.

Pero pano nangyari yun kanina? Paanong hindi ako makatagos sa mga pader ngayon?

"Angel Hope?" Tawag ko kay Angel Hope kahit hindi ko alam kung maririnig ba nya ko o hindi.

Hindi ko naman kasi alam kung nasaan sya.

Naka-ilang beses kong tinawag ang pangalan nya at maya-maya ay may liwanag na tumapat sa mukha ko kaya napapikit ako.

Nang buksan ko ang dalawang mata ko ay nakita ko sya sa harapan ko, at nandito na kami sa may kwarto ko.

[End Of Flashback...]


Magsasalita na dapat ako pero naunahan nya kong magsalita.

"Anong nais mong sabihin?" Tanong nya.

"Gusto kong malaman kung bakit nangyari sakin yun kanina? Bakit hindi nako nakakatagos sa mga pader?"

"Dahil, nalalapit na ang ika-37 days mo dito sa lupa. Unti unti nang nanghihina ang katawang Espiritu mo." Napatango na lang ako bilang sagot.

Naiintindihan at nauunawaan ko na ang mga nangyayari.

Parehas nakuha nang atensyon naming dalawa sa isang bagay na nag-ilaw mula sa side table ko.

Nagliwanag kasi nang color blue yung sand timer na nakapatong sa may side table.

"Angel Hope anong nangyayari?!" Natatarantang tanong ko habang kinukulbit sya.

"Hindi ako makapaniwala. Congrats Eira, nagawa mo ang misyon mo. Oras na magkulay asul kasi ang sand timer na yan ay hudyat yun na nagawa mo ang misyon mo. Handa ka na bang bumalik sa katawan mo?"

A-anong sinabi nya? Totoo ba talaga ang narinig ko?

Napabago ko ba talaga si Kiro? Natulungan ko ba talaga sya?

Pero diba dapat masaya ko? Pero bakit may parte sa puso ko na malungkot ako?

Biglang nag flashback sa isip ko si daddy, yung tungkol dun sa sakit nya.

Mabubuhay nga ako pero hindi ko rin naman sya makakasama nang matagal.

"Eira? Handa ka na bang bumalik sa katawan mo?" Tanong ulit ni Angel Hope na nagpabalik sa diwa ko.

"P-papano si Daddy? Angel Hope tulungan mo ko. Gusto ko pang mabuhay si Daddy bago ko bumalik sa katawan ko." Yan ang mga salitang kusang lumabas sa bibig ko.

"Sigurado ka ba dyan?" Tanong nya habang nakatingin nang diretcho sakin.

"Oo. Gusto ko pang makasama si Daddy. Kung makababalik man ako ngayon sa katawan ko ay hindi din ako sasaya kung alam kong anumang oras ay pwedeng mawala si Daddy. Tulungan mo kong mawala ang sakit nya. Angel ka diba? May alam ka bang paraan?" Malungkot na sabi ko.

"May alam akong paraan para matulungan ka. Para tulungan na mabuhay pa ang daddy mo." Sabi nya.

"Ano naman yun?" Curious na tanong ko.

"Simple lang, tutulungan mo 'ko at tutulungan din kita." Sabi nya na ikinakunot nang noo ko.



Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon