33。Mr. Zamora
Eira's POV
Day 33.
Sana lang ay magawa ko tong pinaplano ko.
"Sorry, Thea. Sana wag kang magalit." Bulong ko habang naka cross finger.
Tinignan ko muna sya na napakahimbing nang tulog.
Katawan nya ang gagamitin ko para makausap ko ang Daddy ni Kiro.
Humiga na ako at unti-unting pinikit ang mga mata ko.
Nang imulat ko na ang mga mata ko ay tinignan ko muna yung buong paligid bago tumayo sa kinahihigaan ko.
May nakita akong human sized mirror sa kwarto ni Thea kaya lumapit ako dun at tinignan ang sarili sa salamin.
"Okay. Kaya mo yan Eira. Huwag kang papahalata sa iba na hindi ikaw Thea." Kausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
*tok tok*
Nabaling ang atensyon ko sa may pintuan nang kwartong ito nang may kumatok.
Nagbilang muna ko nang sampung segundo bago ko buksan yung pinto.
"B-bakit po?"
"Anak, galit ka pa din ba sa amin nang Daddy mo?"
"H-ha? Ah eh o-opo?" Takte bakit ba ganito! Hindi ako makasagot nang maayos.
Baka mamaya makahalata na ang Mommy ni Thea.
"Sige anak. Maiwan muna kita." Nakahinga ako nang maluwag nang makaalis ang Mommy ni Thea.
Eto ako ngayon at papunta sa Condo ni Kiro. Itatanong ko sa kanya kung saan yung Office nang Daddy nya.
Papasakay pa lang ako nang Elevator nang makita ko sya sa di-kalayuan.
"KIRO!" Tawag ko sa kanya.
Naramdaman kong napatingin sa akin ang ibang tao sa paligid ko.
Napangiti ako ng awkward na ngiti sa kanila.
"Hoy Kiro! Sandali." Sabi ko sabay hawak sa braso nya.
"What did you just called me?" Malamig nyang sabi.
Seriously? May problema ba ang lalaking to sa pagtawag sa pangalan nya.
Ganito din yung sinabi nya sa akin noon eh.
"Kiro. Bakit?"
"Fuck. Stop calling me in that name will you? Isa lang ang pwedeng tumawag nang pangalan na yan sakin. Tsaka bakit ka nandito?" Iritadong sabi nya.
"San ko makikita yung Daddy mo? Wag mo na itanong kung bakit, sabihin mo na lang, konti na lang yung oras ko." Diretchong tanong ko.
Oras na magising daw kasi ang katawan nitong taong pinossess ko ay kusa akong mawawala sa katawan nya.
"Follow me." Sabi nya bago tumalikod sa direksyon ko.
Hmp! Hindi manlang ako hinintay nang lalaking to! Napakabilis pang maglakad.
Sumakay kami sa kotse nya at mga ilang minuto ang lumipas nang tumigil kami sa tapat nang napakalaking building.
"Baba na. Nasa 10th floor yung opisina nya." Sabi nya nang ipinark yung sasakyan.
"Akala ko ba gusto mong tulungan kita? Bakit kumikilos ka nang mag-isa?" Hindi ko na pinansin yung sinabi nya dahil hindi ko naman alam kung ano yung tinutukoy nya.
Naglakad nako papasok nang building na yun at nagtungo sa tenth floor nang building na ito.
May nakasalubong akong babae kaya nagtanong ako dito.
"Excuse me miss. San ko po makikita si Mr. Zamora?" Tanong ko.
Pinagtaasan nya ko nang kilay bago sumagot.
"Psh. Burahin ko yang kilay mo eh." Bulong ko.
"Hoy girl! Hindi oras nang daldalan ngayon. Gusto mo bang masisante?" Nilingon ko yung babae na nagsalita at halata ang pagkagulat sa mukha nya nang makita ako.
"N-naku Ms. Chacon ano pong ginagawa nyo dito?" tanong nang babae na nagsalita.
"Kilala mo yan?" Sabat nung babaeng nagtataas nang kilay kanina.
May ibinulong sa kanya yung babaeng mabait na kinagulat nung babae.
"Ugh! Magbubulungan na lang ba kayo dyan? Saan ko makikita si Mr. Zamora?" Reklamo ko.
"S-sorry ma'am. This way po." Sabi nung babaeng mabait.
Nakarating kami sa opisina nang Daddy ni Kiro.
Medyo kinakabahan ako. Pero I can do this.
°°°
jwinisbaeHave a blessed Sunday Everyone. Thank you for reading. Feel free to vomments.
BINABASA MO ANG
Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)
Teen FictionIsang babaeng handang gawin ang lahat para lang madugtungan ang kanyang buhay. At Isang lalakeng walang pakialam sa buhay, na yung tipong 'living young, wild, and free' ang motto sa buhay. Pano kung pagtagpuin sila ng kapalaran. Matulungan kaya nila...