MOTSB 35

706 18 0
                                    

35。I like you

Thea's POV

Day 33

Nagmulat ako nang mata at nakita ko yung orasan sa side table ko.

11:30 am na?!!

Ang haba naman nang tulog ko. Buti na lang walang pasok ngayon, kundi late nako.

Tumayo ako at dumiretcho nang bathroom. Pagkatapos kong gawin ang mga dapat na gawin ay bumaba nako nang kwarto.

Nakita ko si Mommy na may kausap sa phone at nakasalubong ang dalawa nyang kilay at nakatingin na sakin.

Naglakad na lang ako dire-diretcho papuntang kitchen pero bago ko yun magawa ay napahinto ako dahil sa pagtawag sakin ni Mommy nang buo kong pangalan.

"Althea Chacon, may pag-uusapan pa tayo."

Kinakabahan akong lumingon nang dahan-dahan. Tinatawag lang naman kasi ako ni Mommy sa buo kong pangalan kung grabe ang nagawa kong kasalanan.

Wala naman akong maalala na may ginawa 'ko ah?

"M-mommy B-bakit po?" Napaka clueless ko habang tinatanong ko yan.

"Pina-cancel ni Alfred yung Engagement party mamaya. Tell me may kinalaman ka ba dun?" Pang-uusisa ni Mommy.

Seryoso ba tong naririnig ko? Imbis na sumagot ako ay natulala ako.

Hindi pa nga ako nakakaisip nang plano kung paano ko mapipigilan yang Engagement thingy na yan ay na cancel na.

May ginawa kaya yung Akihiro o may sinabi ba sya sa Daddy nya para i-cancel yun?

"Althea! I'm asking you!" Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Mommy.

"W-wala po!" Sagot ko.

"Sigurado ka? Bakit sinabi nang secretary ni Alfred nanggaling ka sa Opisina nya kanina?" Napakunot yung noo ko nang marinig yun.

Seriously? Eh ngayon nga lang ako nagising.

"Eh Mommy kakagising ko lang kaya." Pagpupumilit ko.

"Stop fooling around Althea. Nagpunta ko sa kwarto mo kaninang umaga at gising ka na." Mas lalo akong nagtaka sa sinabi ni Mommy.

Hindi ko maintindihan, wala naman akong maalala sa mga nangyari kanina.

"Pero hindi ko po alam sinasabi nyo." Sagot ko.

"Stop lying! Pano nalang tayo ngayon? Malaki ang pagkakautang nang Pamilya natin sa Companya nila Alfred! Pano natin yun mababayaran?!" Mataas na boses na pagkakasabi ni Mommy.

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko mula kay Mommy.

"Pambayad utang. Yan ba ang tingin mo sakin Mommy? Ganun lang ba ako sa inyo ni Daddy?" Basag na boses na sabi ko.

"A-anak its not what you think." Natatarantang sabi ni Mommy.

"Anong Its not what I think Mom? Eh base sa mga narinig ko ay ganun na yun." Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung mga luha ko.


Eira's POV

Narinig ko lahat-lahat ng usapan ni Thea at nang Mommy nya kanina.

Hindi ko alam na ganun yung kahahantungan nang ginawa kong pangingialam.

Hindi ko naman intensyon na magalit ang Mommy nya sa kanya.

Ang gusto ko lang ay magkaayos na si Kiro at ang Daddy nya.

"Ang lungkot mo ah." Nabalik ako sa huwisyo nang may magsalita sa tabi ko.

Nasa rooftop ulit ako, dito lang naman ako madalas magpunta.

"Ikaw? Bakit Ang saya mo?" Tanong ko pabalik kay Kiro.

"Nalaman ko na pina-cancel ni Daddy yung Engagement Party. Pero hindi pa din naman ako pupunta kahit ituloy nya yun." Prenteng sabi nya.

Tumango tango lang ako. Alam ko na naman kasi yung sinabi nya kaya paano pako magugulat diba?

"May sasabihin ako." Seryoso yung boses nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Gusto kita." Sabi nya.

Nalaglag yung panga ko sa sinabi nya at bumilis yung pintig nang puso ko.

"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Joke! Hahaha!" Sabay tawa nya na parang walang bukas.

"Nakakainis ka!!" Bulyaw ko.

Napapairap na lang ako habang pinapanood syang tumawa.



°°°
jwinisbae

Annyeong! Maraming salamat sa lahat nang nagbabasa, nagvovotes, at nagcocomment. Feel free to vomments nalang. Labyuuu all mwaaps!




Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon