MOTSB 25

732 15 1
                                    

25。Guilty

Eira's POV

(Day 27)

Hanggang ngayon ay nandito pa din ako sa may rooftop. Hindi pa masyado ma-digest nang utak ko yung mga sinabi ni Ethan.

Seryoso ba s'ya dun sa mga sinabi nya? Matagal nya nang alam na may gusto ko sa kanya?

"Hay ang tanga mo Eira! kakarinig mo nga lang diba!" Sabi ko sabay palo sa ulo ko.

Para na kong nababaliw dahil sa mga pinaggagagawa ko ngayon.

Umupo na lang muna ako sa may gilid.

Maya-maya ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko, napatingin ako ng bahagya at nag-iba yung ekspresyon ko nang makita ko si Kiro.

Naalala ko kasi yung sinabi ni Ethan kanina.

Ewan ko ba kung bakit ako naiinis sa narinig ko na nakikipaglandian sya kay Ynna.

"Bakit palagi kang nandito? Dito ka na ba nakatira sa rooftop ha?"

blah blah... kunyari wala akong naririnig.

"..." hindi ako sumagot. Bahala syang magsalita mag-isa nya.

Dun na sya sa Ynna nya.

Ayy takte nasabi ko ba yun? Hala ano ba 'tong mga pinagsasasabi nang utak ko!

"May problema ba?" Tanong nya.

"..."

"Bakit? Napag isip-isip mo ba na may gusto ka na pala sakin kaya ka tahimik?"

Nang dahil sa sinabi nya ay automatikong napalingon ako sa kanya at nanlaki yung singkit kong mga mata.

"Hoy ang kapal ah! Asa ka men!" Tumawa sya ng bahagya matapos kong magsalita.

"Sabi na eh. Mapapagsalita rin kita. Ano ba kasing problema? Bat ang tahimik mo?"

"Wala!" Sagot ko.

Nakakainis! Dapat hindi ko to kakausapin eh.

"Okay. Ayaw mo magkwento, ako na lang yung magkukuwento. Tutal nasimulan ko nanaman na i-kwento yung buhay ko sa'yo dati."

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya pero hindi ako nakatingin sa kanya.

---

Akihiro's POV

"Galit sakin yung kaibigan ko. Alam mo kung bakit? Dahil nakita nya kong nakikipaghalikan sa girlfriend nya kanina."

"Psh. Flirt." Rinig kong bulong nya.

Hindi ko alam kung bakit? Pero may parte sa dibdib ko na gusto kong ipaalam sa kanya yung totoong pangyayare.

"Pero wag kang mag-isip nang hindi maganda, dahil hindi ako yung nag-insist nung kiss na yun."

"Edi you're both flirt." Kumento nya

"Tsk. Makinig ka nga muna!" Naiirita nako sa mga kumento nya.

Hindi nya na kailangang ipamukha sakin na flirt ako dahil alam ko yun dati pa at aminado ako dun.

"Oo alam ko flirt ako. Pero natigil yun nung dumating ka. Araw araw mo kong kinukulit at sinisigawan kapag naiisip kong gumawa nang mga maling bagay. Minsan bigla ka na lang sumusulpot at bigla ka na lang din nawawala. Hindi pa kita masyadong kilala, pero ako kilala mo na ba yung buong pagkatao ko para husgahan mo? Akala ko pa naman maiintindihan mo ko, kaya ko kinwento yun sa'yo dahil gusto kong malaman mo yung tunay na nangyari hindi para husgahan ako."


---

Eira's POV

Bigla kong natahimik sa mga sinabi nya.

Aish!

Ang boplaks ko naman! Dapat pala hindi na lang ako nagsalita!

Hindi ko alam gagawin ko ngayon, parang bigla akong tumiklop dahil sa mga sinabi nya.

Hindi naman ako usually ganito, minsan nakikipagbangayan pa ko kung kinakailangan pero iba ngayon.

Hindi ko magawang magsalita, sobrang guilty ako sa nasabi ko.

Tsk!

Bago pa 'ko makahingi nang sorry ay naglakad na sya palayo.

°°°
jwinisbae

Thanks for reading. Feel free to vomments.


Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon