MOTSB 27

724 16 0
                                    

27。Engaged

Eira's POV

(Day 30)

Pagkatapos nyang tanungin kung bakit ako nandito ay napatingin sya dun sa may pintuan.

"Uy! May susi ka ba nyan!" Tanong ko habang papalapit sya sa may pinto.

"Are you stupid? Sa labas to nilolock, kahit may susi ako hindi din to mabubuksan."

"Aba! Malay ko ba!" Na stupid pa tuloy ako.

"Tsk!" Kinuha nya yung cellphone pero napiling to nang tignan yung cellphone nya.

"Walang signal dito. Bukas pa tayo makakaalis dito." Sabi nya.

Naupo na lang ako sa may isang tabi.

Naupo din sya katabi ko.

"Hindi ka man lang ba magrereact?" Napatingin ako sa kanya, hindi ko kasi na gets yung sinabi nya.

"Magrereact saan?" Tanong ko.

"Na bukas pa tayo makakaalis dito. Hindi ka ba hinahanap sa inyo?"

Hindi pa nga pala ako nakakapag sorry sa kanya.

Sa halip na sagutin ko sya ay iba ang sinabi ko.

"Sorry sa sinabi ko noon. Okay lang kahit galit ka sakin, basta gusto ko lang mag sorry. Okay lang din kung hindi mo tatanggapin yung sorry ko."

Tumawa sya pagkatapos kong sabihin yun.

"O' bakit ka natawa!" Inis na tanong ko.

Ang seryoso ko sa sinasabi ko tapos tatawanan ako.

"Sino ba kasi nagsabi na galit ako sayo? Hindi naman ako galit sa'yo eh. Kahit gusto kong magalit hindi ko magawa." Natatawang sabi nya.

"Eh bakit ka nag walk out noon kung hindi ka galit?" Tanong ko.

"Ah ayun ba? Kinausap ko pa kasi nun si Ethan."

"Nagkaayos naman kayo?" Tanong ko.

"Oo..." Sagot nya pero hindi sya nakatingin sa 'kin kundi sa may bandang paa ko.

Tinignan ko yung tinitignan nya.

Bakit naman to nakatingin sa anklet ko?

"May problema ba sa anklet ko? Baka kasi matunaw yan kakatitig mo." Sabi ko.

"Ah wala. Nevermind." Sabi nya.

"Okay." Sagot ko.

Pagkatapos nang conversation na yun ay naging tahimik ang paligid.

Hanggang sa mag salita sya.

"Have you ever experienced being manipulated?" Napatingin ako sa kanya.

"Ha? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

"I'm engaged matagal na." Sabi nya.

Hindi ko alam pero parang biglang may sumakit sa left chest ko.

"Sabi nang Daddy ko magiging okay lang daw kami kung papayag ako sa gusto nya. Na magpakasal sa anak ng business partner nya."

"Pumayag ka?" Tanong ko.

Bakit parang napaka unfair naman nang daddy nya.

"Hindi. Dahil may iba kong gusto. Pero hindi ko pa sigurado yung nararamdaman ko. Kung gusto ko lang ba yung babaeng yun o Mahal ko na." Sagot nya.

Ano ba tong puso ko, para na 'kong aatakihin sa sobrang paninikip ng dibdib ko.

---

Ethan's POV

"Okay game." sagot ko.

"Okay ganito. Para mas makilala natin yung isa't isa. Magtatanong tayo nang kahit ano tapos kailangang sagutin. Pero bawal mag pass. Okay ba?" Tanong nya.

"Alam mo akala ko nung una mahiyain ka, Ang daldal mo pala." Nakangiting sabi ko.

Mukha kasi syang nerd dahil sa suot nyang salamin.

"Sus. Dahil ba dito?" Tinanggal nya yung suot nyang salamin.

*flick*

Nabalik ako sa huwisyo nang may pumitik sa tenga ko.

Ang sakit nang pagkakapitik eh.

"Laway mo natulo." Natatawang sabi nya.

Tinignan ko sya nang masama. Ang lakas naman kasing mang asar, dinadaig ako.

"Haha joke lang eto naman! Nagtatampo agad." Sabi nya.

Pagkatapos nun ay nagsimula na kaming magtanong sa isa't isa nang kung ano-ano.

°°°
jwinisbae

Thanks for reading. Feel free to vomments.

Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon