MOTSB 37

715 15 3
                                    

37。Mission Accomplished

Eira's POV

Day 35

Papunta ako ng Ospital kung saan ako naka confine.

Matagal tagal na din simula nang nalaman ko na may sakit si Daddy. Kamusta na kaya siya?

Nandito nako sa may kwarto. Pero bakit walang tao?

Malinis ang kama at ang buong kwarto.

Nasaan sila Mommy?

Bigla akong nagtakip nang mata nang may tumamang liwanag sakin.

Pagtanggal ko nang kamay ko sa mga mata ko ay nakita ko sa harapan ko si Angel Hope.

Nilahad nya yung kanang kamay nya at kusang kumilos ang kamay ko na abutin yun.

"Ipikit mo ang mata mo." Utos nya. Kaya pinikit ko yung mata ko.

"Pwede mo nang buksan." Nang buksan ko ang mga mata ko ay puro puti na ang paligid.

Naalala ko na dito 'ko unang napunta noon nang maaksidente ako.

"Angel Hope, anong nangyayari? Bakit nandito ako?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Nagawa mo na ang misyon mo kaya makakabalik ka na sa katawang tao mo. Salamat Eira, nagawa mo ding mapag ayos si Hiro at si Daddy."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Totoo bang nagkaayos na si Kiro at ang Daddy nya?

"Pero paanong ako ang dahilan?" Nagtatakang tanong ko.

"Dahil sa mga sinabi mo sa Daddy namin. Salamat Eira." Sagot nya.

Hindi ko alam na yun pala ang dahilan, pero kahit ano pa ang naging dahilan nang pagkakaayos ni Kiro at nang Daddy nya ay masaya ko para sa kanya.

"Handa ka na bang bumalik sa katawang tao mo?"

Agad akong tumango.

"Oo naman. Gustong gusto ko nang mayakap si Mommy at ang Daddy ko."

"Sandali lang, bago ka makabalik sa katawang tao mo gusto ko sabihin na...

Oras na magising ka ay wala kang maaalala na kahit ano tungkol sa Misyon mo."

Nang marinig ko yun ay bumagsak ang balikat ko. Lahat nang mga nangyari sakin makakalimutan ko?

"Makakalimutan ko din si Kiro?" Bakas sa boses ko ang pagkalungkot.

Tumango si Angel Hope bilang sagot.

"Ipikit mo ulit ang mga mata mo." Sumunod na lang ako at ipinikit ang mga mata ko.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.





Kiro's POV

Nasa may pad ako ngayon, at nandito din yung mga kaibigan ko.

"Mga tol! Mauuna nako. Sasamahan ko sila Tita papuntang Airport eh." Paalam ni Ethan.

"Uyuy! Teka sasabay nako." Napatingin ako kay Chan.

"Pupunta ka din nang Airport?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo. Hindi mo nga pala alam. Pinsan ko kasi yung half sister ni Ethan." Sagot ni Chan.

Nag nod lang ako at hindi nako nagsalita pa.

Nasabi ko na nga pala sa kanila kanina na nagkaayos na kami ni Daddy.

Mga ilang minuto nang umalis sila Ethan ay may pumasok sa isip ko.

"Gelo samahan mo ko." Sabi ko pagkatapos ay tumayo.

"San?" Tanong nya habang nakasalampak sa may couch at nakatingin sa Cellphone nya.

"Rooftop." Sagot ko.

"Bakit bro? Tatalon ka dun? Masyadong mababa." Natatawang sabi nya.

"Hindi. Itutulak lang naman kita don pag hindi ka pa tumayo dyan." Sagot ko.

"Tsk. Eto na nga tatayo na." Reklamo nya.

"Ano bang gagawin mo dun sa rooftop?" Tanong nya habang naglalakad kami.

"Magcoconfess." Sagot ko.

Sinama ko si Gelo dito sa rooftop para makilala nya si Nathalie.

"Kingina bro. Sinasabi ko na may gusto ka sakin." Natatawang sabi nya.

"Gago hindi sayo, kay Nathalie."

"Totoo ba yan bro? Ikaw yung magcoconfess hindi yung babae?" Natatawang sabi nya.

"Tsk. Bumalik ka na nga lang sa pad." Iritadong sabi ko.

Napakalalaking tao napakadaldal.

"Uy de joke lang." Sagot nya.


°°°
jwinisbae

Hallers! Ang agang birthday gift naman po nang 100+ votes. Kamsahamnida! Ilang Chappies na lang matatapos ko na din ituu. God bless everyone. I'll update hanggang sa makakaya ko.












Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon