34。Unexpected Decisions
Eira's POV
Day 33
Medyo kinakabahan ako nang tumungtong ako sa loob nang opisina ng Daddy ni Kiro.
Hindi na ako sinamahan nang babae dito sa loob.
Nakatalikod yung swivel chair sa direksyon ko kaya hindi ko kita ang mukha nang Daddy ni Kiro.
Magkamukha kaya sila?
Maya-maya ay umikot yung swivel chair papaharap sa direksyon ko at nagulantang ako nang makita ko yung mukha nang Daddy ni Kiro.
"N-ninong Alfred?" Yan ang naibulong ko nang makita ang nakaupo sa Swivel Chair.
Highschool friends nang Mommy ko si Ninong Alfred, last year pa nung huli ko syang nakita.
At hindi ko manlang alam na anak pala nya si Kiro.
"It's too early hija. Mamaya pa ang Engagement party nyo nang anak ko." Natatawang sabi nya.
Naalala ko na katawan nga pala ni Thea ang kaharap nya ngayon.
"Nin- I mean Sir, sa tingin ko po ay unfair po ang ginagawa nyo. Sana naman po ay hayaan nyo ang anak nyo na magdesisyon kung sino ang papakasalan nya. Sa tingin nyo po ba ginusto ni Akihiro yung nangyari sa Mommy at kapatid nya? Yung ilang taon po syang naging mag-isa dahil parang wala kayo sa tabi nya. Gusto nya pong magkaayos kayo pero kahit kailan po ba binigyan nyo sya nangpagkakataon?"
Natahimik si Ninong Alfred at nag-iba ang ekspresyon nang mukha nya.
Hindi ko alam kung saan ko hinugot yung lakas nang loob ko na sabihin yun.
Siguro dahil na rin sa mga nadinig ko mula kay Kiro dati. At sa mga nasaksihan ko kung paano sya kadesperadong kitilin yung buhay nya noon.
"I gave him the chance. But he refuse it " Matigas na sagot ni Ninong.
"Oh yeah. Okay sir, What if kung kayo yung nasa posisyon nang anak mo? Magpapakasal ka ba sa taong hindi mo naman mahal? Papaano po kung ipakasal kayo sa ibang babae at hindi sa Mommy nang Anak nyo, papayag po kayo?"
"You know what, I don't get your point hija." Naguguluhang sabi nya.
"My point is... hindi po kasalanan nang anak nyo ang nangyaring aksidente noon. Bata pa lang po sya at hindi nya pa alam ang nangyayari noon. At sa tingin nyo po magiging masaya ang asawa nyo at ang isa nyo pang anak kung alam nilang si Akihiro ang sinisisi nyo?"
"Sana po pag-isipan nyo yung mga sinabi ko Sir, buong buhay ni Akihiro hindi nya naranasan ang pagmamahal nang isang ama. Mauuna na po ako." Dagdag ko.
Nag bow ako bago ako lumabas nang opisina ni Ninong Alfred.
Huminga muna ako nang malalim bago tuluyan na umalis.
Hays. Sana naman magkaayos na sila. Ayoko na syang makitang mahirapan, tama na yung mga nasaksihan ko noon. Yung mga panahong nagtangka syang kitilin ang buhay nya.
Ayoko syang makitang nasasaktan.
Ang importante sakin ang magkaayos silang dalawa.
Third Person's POV
Simula nang lumabas si Eira nang Opisinang yun ay kanina pa napapaisip nang malalim ang Daddy ni Kiro.
Hindi mawala sa isip nya ang sinabi sa kanya nang dalaga tungkol sa anak nya.
Para kasi sa kanya ay si Akihiro ang dahilan nang pagkawala ng taong minamahal nya at nang isa pa nyang anak.
Sa hindi malamang dahilan ay pinatawag nya ang kanyang secretary.
"Tell them to cancel the engagement party." Seryosong sabi nang lalaki.
"S-sir?" Hindi makapaniwalang tanong nang secretary nya.
"I. Said. Cancel. The. Engagement. Party." Maawtoridad nyang sabi.
°°°
jwinisbaeThank you for all the reads, votes, and comments. Lahat po yun naaappreciate ko. Feel free to vomments.
BINABASA MO ANG
Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)
Teen FictionIsang babaeng handang gawin ang lahat para lang madugtungan ang kanyang buhay. At Isang lalakeng walang pakialam sa buhay, na yung tipong 'living young, wild, and free' ang motto sa buhay. Pano kung pagtagpuin sila ng kapalaran. Matulungan kaya nila...