04: B-tch Friends
EIRA'S POV
Day 02...Maghapon na akong naglilibot sa school nato pero ni anino ng lalaking nasa picture na hawak ko ay wala akong makita!
Nag e-exist ba talaga to? T_T
Mukhang mahihirapan akong hanapin ang lalaking to dahil na rin bukod sa maraming estudyante ang nagkakalat sa paligid ay napakalaki at napakalawak din netong School.
Gash pano na yan!!
"What the hell!!" Nabaling ang atensyon ko sa babaeng sumigaw.
Teka si Ynna yun ah?
"S-sorry po m-miss.." nakayuko at nanginginig na sabi ng babae na may suot na napakakapal na salamin.
"Do you think my uniform will be dry after saying sorry?" Mataray na sabi ni Ynna.
Shocks naman! Tanga ba sya o sadyang bee square lang??
Para sa mga hindi alam yung meaning ng bee square. It means bee-oh bee-oh.
Itanong nya talaga yun? Eh Hindi naman sinabi ng babae na matutuyo yung uniform nya pagnag sorry.
Nagsorry na nga yung tao. Ang arte pa! Ewan ko ba kay Ethan kung ano nagustuhan nya sa babaeng yan.
Nandito naman ako. Charaught lang.
Umiling lang yung babae at nakayuko pa din.
Napacross arms na lang ako dahil sa tagpong napapanood ko.
Para lang akong nanood ng drama na inaapi ng kontabida yung bida, tapos yung bida walang ginagawa nagpapaapi lang hayys nakakabadtrip lang lol.
"H-hindi ko n-naman po s-sinasadya..." mahinang sabi ng babae.
"Stupid! Get out of my way!" Binangga ni Ynna yung babae pagkatapos ay umalis na.
Kasunod nya rin na umalis ang mga alipores nya. Sabi sa inyo sagad hanggang intestines ang pagkamasamang ugali ni Ynna isama mo na ang mga b-tch friends nya este bestfriends pala hahaha
Naglakad lakad na lang ulit ako. Hoping na makita ko na ang Akihiro Zamora na yun.
Habang naglalakad ay biglang nahagip ng mga mata ko ang school canteen.
Naisip ko na... Simula pala ng accident na nangyari ay hindi pa ko nakakain. Bakit nga ba hindi ko yun naalala?
Napahawak ako sa tyan ko.. bakit hindi naman ako nakakaramdam ng gutom??
Part ba to ng pagiging soul ko?!! T_T
Kakalakad ko ay napunta ako dito sa may rooftop ng School. Ang ganda pala netong School na pinapasukan ni Ethan!
Sana pala sinabi ko kay Mommy na ilipat na lang ako dito.
Lumipas ang oras at ngayon ay unti-unti nang lumulubog ang ang araw.
Day 03...
Buong gabi ako nag- isip kung pano ko mahahanap si Akihiro Zamora sa School nato.
At dahil matalino ako ay may naisip akong plano para makita sya.
Dito lang ako sa may tapat ng gate maghihintay sa mga estudyanteng papasok.
Eto lang naman ang daanan papasok ng School kaya hindi pwedeng hindi ko pa sya makita.
Lumipas ang mga oras at eto ako. Halos mamuti na ang mga mata pero wala talagang Akihiro Zamora akong nakikita!
Pabalik balik na nga akong naglalakad sa harap ng gate. Nakakangalay kasi hahaKung nakikita lang siguro ako ng guard ay baka sabihin sakin ay 'tumigil ka nga sa pabalik balik mo, ako nahihilo sayo eh'
Naisip ko lang na paano kung makita ko na si Akihiro? Paano ko naman sya makakausap eh hindi naman ako naririnig o nakikita ng mga tao?
Hindi ko na alam... ang gusto ko lang naman ay makabalik na sa katawang tao ko. T_T
Kaya hindi ako susuko! Dahil alam ko na bawat problema ay may sulosyon. Kung walang sulosyon eh di wag mong problemahin.
BINABASA MO ANG
Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)
Teen FictionIsang babaeng handang gawin ang lahat para lang madugtungan ang kanyang buhay. At Isang lalakeng walang pakialam sa buhay, na yung tipong 'living young, wild, and free' ang motto sa buhay. Pano kung pagtagpuin sila ng kapalaran. Matulungan kaya nila...