MOTSB 26

752 18 0
                                    

26. In The Stock Room

Ethan's POV

(Day 30)

"Uy dude mauuna na 'ko." Paalam ko sa mga kaibigan ko.

Nagkaayos na nga pala kami ni Aki.

And nakuha ko na din yung anklet ko.

Hindi ko naman hahayaang masira yung mga pinagsamahan namin dahil lang sa isang babae.

And hindi rin naman ako seryoso kay Ynna.

Habang naglalakad ako ay may nabangga ako.

Tinulungan ko syang kunin yung mga nalaglag nyang libro.

Nang ibibigay ko na yung libro ay nagulat ako.

"IKAW?!" Sabay naming sabi.

Siya nanaman. Eto din yung nabangga ko noon ah.

"Tsk. Kita mo nga naman, pinagtatagpo tayo nang tadhana. Baka ikaw na yung ka red string ko haha." Natatawang sabi ko.

"Lul. Ang mais nang joke mo."

Minsan na nga lang ako magbitaw nang joke nabara pa.

"By the way I'm Nicolo Ethan Ramirez." Pag-iiba ko ng topic.

"W-wait. Ikaw yung Ethan? Ikaw yung magiging partner ko sa pagcocompose ng kanta?" Sunod sunod na tanong nya kaya napatango na lang ako.

"Thea. Althea Chacon." Sabay abot nya ng kamay nya.

Inabot ko yun at nakipagkamay.

Hindi ko alam na sya pala yung kapartner ko dun, dahil ngayon lang ulit ako nakapasok.

"Uhm sige mauuna na 'ko." Sabi nya.

Hinawakan ko yung wrist nya nang akmang aalis na sya.

"Teka lang. Hindi ba natin pag- uusapan yung tungkol dun sa pagcompose ng kanta?" Tanong ko.

"Ah eh baka kasi busy ka pa." Sabi nya.

"Hindi. Tara." Hinawakan ko sya sa wrist nya at naglakad.

"Ehem. Yung kamay ko po." Sabi nya habang naglalakad kami.

Kaya napatingin ako sa kamay nya. Ngayon ko lang napansin na nakahawak na pala ko sa kamay nya, kaya napabitaw ako bigla.

"Sorry." Yan lang ang nasabi ko.

"Haha Okay lang. Pero matanong ko lang san ba tayo papunta?"

"Dito." Sagot ko nang makarating na kami dito.

Nandito kami ngayon sa isang park malapit sa school namin.

"Uy infairness ah. Ang ganda dito parang ang peaceful." Kumento nya.

"Bago natin pag-usapan yung tungkol dun sa song na gagawin natin. Bakit hindi muna natin kilalanin yung bawat isa." Dugtong nya.

Napangiti ako sa idea nya.

"Okay game."

---

Eira's POV

Guilty-ing guilty ako sa sinabi ko kay Kiro.

Hindi ko alam kung anong meron sa utak ko at nasabi ko yun.

Eto ko ngayon at hinahanap sya, dalawang araw na rin ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita.

Naiintindihan ko naman kung galit sya sakin. Dahil sa mga sinabi ko.

Habang naglalakad ako ay nakita kong magkausap si Thea at Ethan.

Teka? Magkakilala ba sila?

May mga dumaang estudyante sa harapan ko at pagtingin ko sa direksyon nila Ethan at Thea ay wala na sila.

Namalikmata lang ba ko?

Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa isang stock room.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at dito ako dinala nang mga paa ko.

Pagpasok ko ay biglang sumara yung pinto.

Nang hawakan ko yung door knob para buksan.

"Sheez!" Bakit naka lock!!

Pano ko makakalabas neto?!

Hindi na 'ko nakakatagos sa mga walls.

Mukhang masastranded pa ata 'ko dito.

T_T

"Ay palaka!"

Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang may marinig akong kaluskos.

Grabe kinakabahan ako, nasabi ko na ba na takot talaga ko sa mga multo.

Kaya nga nung nagkwento si Thea tungkol sa mga nakikita nya'ng matagal nang namatay ay nagtatayuan agad yung mga balahibo ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Magkasalubong yung kilay nya nang magtanong.

Mukhang parehas kaming nagulat nang makita ang isa't isa.

Nandito din kasi si Kiro.

°°°
jwinisbae

No classes tom. Meaning makaka-ud pa 'ko. Btw, thanks for reading. Feel free to vomments.

Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon