MOTSB 16

804 16 3
                                    

16: Bestfriend

EIRA'S POV

Day 22...

Gabi na at nasa may rooftop ako ngayon sa building ng pad ni Kiro.

At kasama ko sya ngayon.

Tinignan ko sya habang seryosong nakatingin sa langit.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko habang nakatingin din sa langit.

"Ikaw." Sagot nya.

"H-ha? Anong ikaw?" Nauutal na tanong ko.

"I mean ikaw? Anong iniisip mo?" Bawi nya. Akala ko naman kung anong 'ikaw' na yung pinagsasasabi neto.

"Hmm... ano nga ba iniisip ko?" Tanong ko sa sarili ko habang hawak yung ilalim ng baba ko.

"Yung Daddy ko." malungkot na sabi ko.

Naramdaman ko na bahagya syang napalingon sakin.

"Anong meron sa dad mo?" Seryosong tanong nya habang nakatingin sakin.

"Iniwan nya kasi kami dati, hindi pa ko pinapanganak nun sabi ni Mommy. Tapos ngayon bumalik sya, hindi ko alam kung bakit." Mahinang sabi ko dahil parang tutulo na yung luha ko.

"Malay mo naman, gusto nyang itama yung mga pagkakamali nya, gustong bumawi ng daddy mo sa inyo." Sagot nya.

"Pero kasi, may pamilya na din sya, at nalaman ko na anak nya din yung bestfriend ko." Biglang kumunot yung noo nya pagkatapos kong magsalita.

"Oh bat naman nakakunot yang noo mo?" Tanong ko.

"I'm just wondering. You should be glad dahil kapatid mo ang bestfriend mo diba? But your reaction is opposite." Natatawang sabi nya.

"Tell me, bestfriend ba talaga turing mo dyan sa bestfriend mo?" Dagdag nya.

"H-ha? B-bakit mo naman natanong y-yan?" Hindi ako makapaniwala sa tanong nya.

Alam ba nya na may gusto ako sa bestfriend ko?

"Wala lang. Gusto ko lang malaman." Napabuntong hininga muna ako ng malalim bago ako sumagot.

"Okay fine. Inaamin ko, kaya hindi ganun kasaya na maging kapatid ko ang bestfriend ko dahil may gusto ko sa kanya." Mabilis kong sabi.

"Teka. Lalaki ba bestfriend mo?" Di makapaniwalang tanong nya.

"Oo. Bakit, ano ba akala mo?" Nagtatakang tanong ko.

"Pfft. Akala ko babae yung bestfriend mo." Natatawang sabi nya.

Ano? So hindi nya pala alam na lalaki bestfriend ko?

"Arrgh! Nakakainis ka!! Pano mo ba kasi nasabing hindi bestfriend ang turing ko sa bestfriend ko?" Sabi ko habang pinapadyak yung paa ko.

"Ewan. Naisip ko lang na baka insecure ka pala dun sa bestfriend mo. Hindi ko naman alam na may gusto ka pala sa bestfriend mo. Pero ayos na din yun, hindi kayo pwede dahil magkapatid kayo."

Nakangising sabi nya. Hindi ko na naintindihan yung huling sentence na sinabi nya dahil biglang humina yung pagsasalita nya.

Kahit minsan wala kong pinagsabihan ng nararamdan ko kay Ethan.

Pero ngayon, nasabi ko lang nang basta basta sa taong hindi ko pa masyadong kilala.

"Hindi din kami pwede dahil may girlfriend na sya. Ikaw ba, may girlfriend ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Nag- iba yung ekspresyon nya nang itanong ko yun sa kanya.

Magsasalita na sana ako pero hindi ko na natuloy dahil nagsalita sya.

"We're done already." walang emosyong sabi nya.

nag- nod na lang ako bilang sagot. Ayoko na mag- usisa pa dahil alam ko naman kung kelan dapat mangulit at hindi.



Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon