MOTSB 09

864 19 0
                                    

09: Nurse

EIRA'S POV

Day 17...

3 Days had passed pero hindi ko pa ulit nakikita si Kiro. Hindi ko sya naabutan sa condo nya.

Naging friends nga kami pero hindi ko naman sya mahagilap.

Ngayon ay nandito ako sa school nya, baka sakaling dito ko sya makita.

Hindi ko magagawa ang misyon ko kung tutunganga lang ako, kailangan ko syang hanapin.

Habang naglalakad ako sa may field ay may narinig akong bumangit ng pangalan ni Kiro kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Alam mo girl miss ko na yung ka gwapuhan ni Akihiro baby!"

"Oo nga girl eh! Sana gumaling na sya."

So, may sakit pala sya kaya hindi ko sya mahagilap.

Ang kailangan kong hanapin ngayon ay ang mga kaibigan nya dahil sure ako na pupuntahan nila ang kaibigan nila.

Naikot ko na ang buong school pero hindi ko nakita sila Chan.

Umupo muna ako sa may bleachers para magpahinga dahil nahihilo ako kakaikot sa school dahil ang laki laki neto.

Babalik na lang muna siguro ako sa hospital.


Kinabukasan.

Day 18...

"Uhm tita. Aalis po muna ko, may pupuntahan po kasi akong kaibigan."

Nagising ako dahil sa ingay ng nag-uusap.

"Sige hijo. Salamat sa pagdalaw mo kay Eira."

Boses yun ng nanay ko ah!

"Wala yun tita. Sana magising na tong si Eira, miss ko na kakulitan ng pinsan kong to eh."

Naimulat ko ang mga mata ko ng de oras ng marinig ko yung boses ni Chan.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko dito sa Ospital kahapon.

Nagmadali akong sundan si Chan dahil alam kong alam nya kung nasaan si Kiro.

At hindi ako nagkamali na sundan nga sya, dahil nandito kami ngayon sa bahay- este mansion nila Akihiro.

As in, nakakalula yung laki.

Pagpasok pa lang sa loob ay mukhang maliligaw ka sa sa sobrang lawak.

Mga ilang oras ang nakalipas bago umalis sila Chan at ang isa pa nilang kaibigan, Gelo ata ang pangalan.

Hindi ako pwedeng magpakita kay Kiro ng nandyan ang mga kaibigan nya dahil hindi nila ko nakikita, si Kiro lang ang nakakakita saken.

Ilang minuto pagkatapos umalis nila Chan ay pumasok ako sa kwarto ni Kiro.

Hindi ko inaasahan ang makikita ko dahil may hawak syang matalas na bagay at akmang maglalaslas na sya ng sumigaw ako.

"WAAAAG!" at napalingon sya sa direksyon ko.

"Tsk. Istorbo." Pabulong nyang sabi.

Psh. Bubulong na lang yung naririnig ko pa.

Napa crossed arms na lang tuloy ako at napataas ang kanang kilay ng akmang itutuloy nya ulit yung gagawin nya.

"Ano sa tingin mo yang ginagawa mo?" Tanong ko.

"Pinipili ang mas madaling option." Sagot nya.

"Never naging option ang pagpapakamatay gago." Inis na sagot ko.

Binaba nya yung hawak nyang matulis na bagay at hinarap ulit ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Cold na tanong nya.

"Binibisita ka. Diba may sakit ka? Kaya umayos ka dahil ako ang magiging nurse mo ngayong araw."

Gusto ko syang tulungan hindi lang dahil sa misyon kundi dahil gusto ko.

Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon