MOTSB 18

779 15 0
                                    

18: Orange Light

EIRA'S POV

Day 24...

Pagkatapos namin mag- usap ni Thea kahapon ay nagpaalam na'ko.

Sinabi nya na pwede nya daw akong tulungan sa misyon ko, pero tumanggi ako.

Dahil hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino kung ano yung misyon ko, kundi mamatay ako.

Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama sa kwarto ko nang biglang may nagliwanag.

Napatingin ako sa may side table ko dahil nakita kong biglang umilaw nang kulay orange yung parang sand timer na binigay sa 'kin dati ni Angel Hope.

Hala? Anong nangyayari?

Maya-maya ay naging mabilis yung pag-daloy pababa nang mga sand sa loob.

Pero naging mabagal din ito, pagkatapos.

"Teka? Bakit bumilis kanina yung pagdaloy nang sand?" Tanong ko sa sarili ko.

"Dahil may hindi ka tinupad na kasunduan. Nabawasan nang tatlong araw ang natitirang araw mo para magawa ang misyon mo." Nalipat yung tingin ko sa nagsalita at nakita ko si Angel Hope.

May hindi ba ko tinupad?

Ano naman yun?

Inisip ko muna nang mabuti kung ano yung tinutukoy ni Angel Hope, pero wala talaga kong matandaan eh.

"Ha? Wala naman akong matandaan na ginawa ko?" Naguguluhang tanong ko.

"Yung tungkol sa misyon mo. Diba binalaan na kita una pa lang na hindi mo pwedeng sabihin kahit na kanino."

"Ha? Eh hindi ko naman sinabi kay Thea o kung kanino man kung ano yung misyon ko eh."

"May pinagsabihan ka pa din nang tungkol sa misyon mo. Pero yan ang hindi mo dapat gawin, ang ipaalam sa iba kung ano ang misyon mo. Dahil hindi ka lang mababawasan nang araw kundi tuluyan ka nang mamaalam." Sagot nya.

Naku naman, konting araw na nga lang natitira saken nabawasan pa.

"May 14 days ka na lang na natitira. Goodluck." Sabi nya pagkatapos ay naglaho.

Hays ewan.

Bahala na.

Siguro kailangan ko na lang talagang tanggapin na wala nang pag-asa na makakabalik pa 'ko sa katawan ko.

Nagpunta kong hospital kung saan ako naka confine. Dahil gusto kong makita ang parents ko.

Susulitin ko na lang ang mga natitirang araw ko na makikita ko ang pamilya ko.

Sayang lang at hindi ko masyadong nakasama ang daddy ko nang matagal.

"Anak, kelan ka ba gigising?" Umiiyak na sabi ni mommy.

Gusto kong yakapin si Mommy na nakikita kong umiiyak ngayon, pero hindi ko magawa dahil tumatagos lang ang katawan ko sa tuwing yayakapin ko sya.

"Tita, wag po kayong mag alala matapang po si Eira, at alam kong gigising din sya." Sabi ni Ethan habang inaalo si Mommy.

"Mom, sorry po kung dahil sakin kaya ka naiyak ngayon." Mahinang sabi ko, kahit alam ko namang hindi nya rin yun maririnig.

Sunod sunod na ang pag- agos nang mga luha ko sa mga mata ko ngayon.

"Anak, hindi ko alam kung naririnig mo ko. Pero sana lumaban ka kahit hindi para sa kin kundi para sa Mommy mo na lang." Sabi ni D-daddy habang hinahaplos yung buhok ko.

Hindi ko na kaya pang makitang nalulungkot ang parents ko kaya umalis muna ako sa hospital.

Nagpunta ko kila Althea dahil alam kong s'ya lang ang pwede kong makausap sa ngayon.


Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon