36。Forgiveness
Kiro's POV
Day 34
Nakatingin ako sa ballpen na pinapaikot ko sa kamay ko.
Hindi ko pinapakinggan yung sinasabi nang prof namin sa harapan.
Tss. Alam ko na naman yung mga pinagsasasabi nya, kaya bakit pa ko makikinig.
Yung nangyari kahapon, yung sinabi ko kay Nathalie na gusto ko sya. Hindi pa rin mawala sa isip ko yun.
Masyado kong natuwa sa naging reaksyon nya, napaka-priceless kasi nang itsura nya.
Pero yung sinabi ko kahapon, totoong joke yun.
Dahil hindi ko sya gusto, mahal ko na siya.
"Hoy dude! Pansin ko lang hindi ka na masyado nasama samin! May problema ba?" Tanong ni Gelo habang kinukuha nya yung bag nya.
Napansin ko na wala na ang ibang estudyante sa kwartong to.
Hindi ko namalayan na nagdismissed na pala.
"Nothin'. Sige mauuna na'ko kelangan kong maabutan si Nathalie." Sabi ko sabay dampot nang bag ko.
Napag-isip isip ko na kanina na desidido nako na sabihin sa kanya yung nararamdaman ko.
Kahapon ko pa balak gawin yun kaso biglang umatras yung dila ko na sabihin yun.
Natakot kasi ako sa sasabihin nya, takot ako sa rejections. Buong buhay ko kinamuhian ako nang ama ko.
Pero bahala na, ngayon pa ba ko magpapaka coward.
Nagdadrive ako papauwi nang pad ko nang tumunog yung phone ko.
Kinapa ko yung phone ko sa bulsa ko para sagutin yung natawag.
Hindi ko na tinignan kung sino yung natawag dahil nakatingin ako sa kalsada.
Nadala na kasi ako noong maaksidente ako, muntikan na 'ko makasagasa nang bata.
"Who the fuck is this?" Tanong ko sa kabilang linya.
("S-sir... pinapapunta po kayo ng Daddy nyo dito.")
Kumunot ang noo ko. Ano nanaman bang kailangan nya?
Nakahanap nanaman ba sya nang bagong i- eengage sakin?
Tss.
("Sir Akihiro. Pumunta na po kayo, dahil masisisante po ako pag hindi kayo pumunta.")
"Psh. Fine." Sagot ko pagkatapos ay ibinaba ko na yung tawag.
Niliko ko yung sasakyan ko papuntang Office ni Daddy.
Nang makatungtong nako dito ay naglakad nako papuntang opisina nya.
Pagpasok ko sa Opisina nya ay nakita ko syang nakatayo at nakatingin lang sakin.
"What do you want? I-eengage mo nanaman ba 'ko sa anak nang ibang business partners mo?" Bored na tanong ko.
"You know what Dad kahit ilang beses mo ko I-engage hin--" naputol ang mga sasabihin ko nang magsalita sya.
"Patawad." Seryosong sabi nya habang nakatingin sakin.
"Anak... patawad." Ngayon ko na lang ulit narinig sa kanya na tinawag nya kong anak simula nang mawala si Mommy at ang kakambal ko.
Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko. Hanggang sa lumapit sakin si Daddy at tinapik tapik ang braso ko.
"Son, I'm sorry. Masyado kong nagpadala sa galit nung nawala ang Mommy mo. Patawarin mo ko kung sinisi kita noon."
Kita ang sinseridad sa mga mata nya.
"Dad." Yan ang huling nasabi ko bago ko nakita ang sarili ko na niyakap ko ang ama ko.
Ethan's POV
"Ethan, sigurado ka bang magpapaiwan ka dito?" Tanong ni tita.
"Opo tita. Kaya ko naman ang sarili ko, may tiwala ako kay Daddy. Alam kong gagaling sya." Sagot ko.
Bukas na sila pupunta sa America para doon magpagamot si Daddy.
Ililipat na din nang hospital si Eira at isasama sya pagpuntang U.S.
°°°
jwinisbaeAnnyeong! Thank you for reading and voting. Feel free to leave a comment/s. God bless everyone.
BINABASA MO ANG
Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)
Teen FictionIsang babaeng handang gawin ang lahat para lang madugtungan ang kanyang buhay. At Isang lalakeng walang pakialam sa buhay, na yung tipong 'living young, wild, and free' ang motto sa buhay. Pano kung pagtagpuin sila ng kapalaran. Matulungan kaya nila...