MOTSB 14

799 14 0
                                    

14: His Twin

KIRO'S POV

Day 21...

"Anong nangyari pagkagising mo?" Tanong nya.

"Hindi ko inaasahan na pagkagising ko nun ay wala na sila Mommy at ang kapatid ko. Nalaman ko din na bago mawala si Mommy ay sinabi nya sa doctor na idonate daw ang isang mata nya sakin bago sya mawala, dahil nalaman nya na nabulag ang isang mata ko noong naaksidente kami." Sagot ko sa tanong nya.

"Alam mo ba? Umasa akong makikita ko ulit sila dahil palaging kinukwento samin ni Mommy na may third eye daw sya."

"Edi may third eye ka na din?" Tanong nya.

Natawa na lang ako ng mapakla habang napapailing na nagkukwento.

"Pero mukhang malabong mangyari yun dahil gawa gawa lang ata ni Mommy ang kwentong yun." Pagpapatuloy ko.

"Madalas kasing ipa-kwento ni Gelly kay Mommy yung tungkol sa mga nakikita ni Mommy na hindi nakikita ng ordinaryong tao."

"Hindi ako mahilig makinig sa mga ganoong kwento ni Mommy dahil alam ko namang hindi totoo ang mga ganon."

"Kung alam mo lang... kung gaano katotoo yun. Kaya pala nakikita mo ko."

May ibinulong sya pero hindi ko naman narinig kaya hindi ko na lang pinansin.

"Kung totoo man yun, edi sana nakikita ko ngayon si Mommy at ang kapatid ko diba." Dagdag ko.

"So you mean may kakambal ka?" Curious nyang tanong.

"Oo. At yung handkerchief na napulot mo, yun yung handkerchief na ipinahiram nya sakin noon nang masugatan yung kamay ko. Kaya mahalaga sakin yung handkerchief na yun." Seryosong sagot ko.

"Kaya ba naging mabait ka sakin noon? Hmm?"

Tumango lang ako bilang sagot.

"Kung hindi pala dahil sa panyong yun ay hindi ka papayag na makipagkaibigan ako sa sayo?" Patuloy ko.

"Exactly." Bored na sagot nya.

Wala naman talaga kong balak kausapin ang babaeng to. Kung hindi lang talaga mahalaga ang panyong yun sakin.

"Well thanks to that handkerchief though." Sabi nya.

"By the way, ano itsura ng kakambal mo? Kamukha mo din ba sya?" Sunod-sunod na tanong nya.

"U-uy teka lang! S-san ka pupunta? May nasabi ba kong hindi maganda." Nauutal nyang tanong ng tumayo ako sa may couch.

Tumayo ako para kunin yung huling picture naming kambal na kinunan ni Mommy sa may beach.

Inabot ko sa kanya yung picture frame pero tinignan lang ako neto.

"Huh? Anong gagawin ko dito?"

"Try mong kainin." Sarkastiko kong sagot.

Dahilan para tignan nya ko ng masama.

"Malamang tignan mo. Diba tinatanong mo itsura ng kakambal ko?"

"Ay oo nga pala. hehe!" Awkward na sabi nya sabay hampas sa hangin.

Tss. San ba nagpunta yung cs nya? -_-

Tinignan nyang mabuti yung picture pagkatapos ay napatakip sa bibig na parang gulat na gulat.


EIRA'S POV

Patuloy lang sya sa pagkukwento hanggang sa may nabanggit syang isang bagay na kumuha ng atensyon ko.

Yung tungkol sa kakambal nya.

Dahil sa kagustuhan kong malaman kung magkamukha ba talaga sila ng kakambal nya ay naitanong ko yun sa kanya.

Akala ko ng tumayo sya sa couch ay mag- wo- walk out sya, kinuha nya lang pala yung picture frame. Hehe

Nangmakita ko yung picture ay napaisip agad ako.

Eto yung picture na nakita ko dati eh. Yung picture ng isang batang babae at lalaki na magkaakbay.

Kaya ba may- pagkakahawig sila? Dahil siya yung kakambal ni Hiro?

Napatakip ako ng bibig nang ma- analyze ko kung sino yung batang babae na nasa picture.

S-si...

KIRO'S POV

"Si #*$&-+$* yung kakambal mo?!"

*Riiiiinggg*

*Riiiiinggg*

hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi nya dahil nawala yung atensyon ko sa kanya ng magring ang phone ko.

Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon