11: Be Positive
EIRA'S POV
Day 20...
Nandito ako ngayon sa may rooftop ng hospital kung saan ako nakaconfine.
Bata pa lang ay madalas na akong magpunta sa matataas na lugar, mas masaya kasi kapag nakikita ko yung kabuuang view ng isang lugar.
Pag may problema din ako ay nagpupunta ako sa isang mataas na lugar at doon ko isinisigaw lahat ng galit ko.
Worth it naman dahil medyo nawawala yung galit ko pag naisigaw ko na.
Hanggang ngayon kasi ay medyo may pagka inis pa din ako kay Kiro dahil sa inasta nya kahapon.
Pero kailangan ko syang intindihin dahil bawat tao ay may iba't ibang kwento at hindi ko pa alam ang sa kanya.
Bahagyang napapikit ang mga mata ko nang may tumamang liwanag sa mukha ko.
Pag bukas ko ng mga mata ko ay nakita ko sa gilid ko si Angel Hope.
Kaya humarap ako sa direksyon nya para magsalita sana pero naunahan nya kong magsalita.
"Alam kong nahihirapan ka na sa Mission mo. Pero kung gusto mo talagang matapos yan kailangan mong maging matyaga." Sabi nya.
Tama nga sya. Kailangan ko talaga ng isang truck ng Patience pag dating kay Kiro.
"Eh Angel Hope, Ano ba ang nangyari kay Kiro noon? At paano nya ko nakikita?"
Nakangiting umiling si Angel Hope pagkatapos ay nagsalita.
"Hindi ako ang makakasagot ng mga tanong mong yan Eira. Kundi ang mismong taong tinutukoy mo."
Okay sabi ko nga. :(
"Pero Angel Hope, May tanong ako paano ka naging Angel? At tsaka may pamilya ka din ba?"
Wala lang nacurious ako kaya ko naitanong yan.
Again guys hindi po ako chismosa ha curious lang talaga hihi.
"Hindi ko alam, dahil wala kong masyadong natatandaan sa pagkatao ko noon."
Napatango na lang ako bilang sagot.
"Ang alam ko lang ay binura ang mga alaala ko noon bago ako maging isang Anghel." Dagdag pa nya.
Napabuntong hininga nalang ako.
Ang lungkot naman kasi ng story nya, hindi nya kilala kung sino yung naging pamilya nya dati.
"Pero minsan ba naisip mo alamin kung sino yung naging pamilya mo noon?" Tanong ko.
"Kahit gustuhin ko man na malaman ay hindi pwe-pwede."
"Ha? Bakit naman?" Nag tatakang tanong ko.
"Maapektuhan nun ang pagiging anghel namin ngayon pagnalaman namin ang mga nakaraan namin."
Nagnod na lang ako as a response.
"Gusto kitang paalalahanan na kokonti na lang ang araw na natitira sa'yo para magawa mo ang misyon mo. Inaasahan ko na magagawa mo ang misyon mo." Nakangiti nyang sabi.
"Salamat." Sagot ko pagkatapos ay matipid na ngumiti.
"May bumabagabag ba sayo?" Tanong nya.
"H-ha? Wala naman. Nalulungkot lang ako kasi namimiss ko na sila Mommy at ang mga kaibigan ko. Pano kung hindi ko 'to magawa?"
"Hindi pa naman huli ang lahat. Kaya may mga magagawa ka pa." Kumbinsi nya.
Tama I need to be positive.
Pero hanggang kelan ko kakayaning mag pakatatag?
"Mauuna nako dahil may mga mahahalaga pa kong kailangang gawin. Hanggang sa muli." Nakangiti syang nagpaalam pagkatapos ay naglaho na.
Buti pa sya ang Super positive nya. Ako Positive lang eh.
Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos ay muling pinagmasdan ang buong tanawin.
BINABASA MO ANG
Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)
Teen FictionIsang babaeng handang gawin ang lahat para lang madugtungan ang kanyang buhay. At Isang lalakeng walang pakialam sa buhay, na yung tipong 'living young, wild, and free' ang motto sa buhay. Pano kung pagtagpuin sila ng kapalaran. Matulungan kaya nila...