MOTSB 13

772 15 1
                                    

13: Accident

THIRD PERSON'S POV

Day 21...


[Flashback...]

10 years ago...

Summer, at nasa isang beach ang buong pamilya nila Kiro noon.

"Okay 1 2 3. Say cheese!" Sabi ng mommy nila habang kinukuhanan ng picture ang kambal nyang anak.

*click*

*click*

"Aki anak wag kayong lalayo ng kambal mo, dyan lang kayo pupuntahan ko lang ang daddy nyo." Paalam ng Mommy nila pagkatapos silang picturan.

"Opo Mommy/Yes Mom." Sabay na sagot ni Kiro at ng kakambal nyang si Gelly.

"Hiro punta tayo dun oh! Tuha tayo ng seasells!" Excited na sabi ng kapatid nya habang nakaturo sa mga seashells.

Pumunta sila malapit sa dagat para doon kumuha ng mga seashells.

"Ahh!" Sigaw ni Hiro ng matusok sya ng seashell.

"Bakit Hiro?? Hala may shugat ka oh! Borrow mo na lang tong handkerchief ko." Sabay abot ni Gelly sa kakambal nya ng handkerchief.

Maya maya ay bumalik ulit sila sa pagkuha ng mga seashells. Hindi namalayan ni Kiro na wala na pala sa tabi nya ang kakambal nya.

"Gelly? Asan ka?" Banggit nya habang hinahanap ang kakambal nya.

"Oh Aki asan ang kapatid mong si Gelly?" Tanong ng Mommy habang papalapit sa kanya.

"Hindi ko po alam Mommy." Sagot nya.

"Anong hindi mo alam? Eh magkasama kayo kanina diba?" Medyo galit na sambit ng Mommy nya.

Magsasalita pa sana ulit ang Mommy ni Aki pero hindi nya na naituloy dahil nabaling yung atensyon nya sa mga taong nagkakagulo.

Agad niyang nilapitan ang mga taong nagkakagulo dahil may kakaiba syang nararamdaman ng mga oras na yun.

"Excuse me miss anong nangyayari?" Tanong ng Mommy ni Aki sa isang babae.

"May nalunod daw pong batang babae kanina." Sagot ng babae.

"Ano hong itsura ng bata?"

"Uhmm maputi, tapos singkit yung mata tsaka mga nasa anim o pitong taong gulang." Sagot ng babae.

"Asan na ho yung batang babae?" Nanginginig na tanong ng Mommy ni Aki.

"Sinugod na ng tatay nya sa Hospital kani-kanina lang Miss."

"Jusko. Iligtas nyo po ang anak ko." maluha luhang sabi ng Mommy ni Aki.

"Mommy puntahan natin si Gelly." Kahit pitong taong gulang pa lang si Aki ay naiintindihan na nya ang nangyayari sa paligid nya.

Kinuha ng Mommy nya ang cellphone nya para tawagan ang asawa nya at itanong kung saang Hospital dinala ang anak nila na si Gelly.

Pero nang buksan nya ang cellphone nya ay tumambad ang maraming missed calls at messages na galing sa asawa nya.

Nakita nya ang isang text message kung anong exact address ng Hospital na pinagdalhan kay Gelly kaya hindi na sya nagsayang ng oras at agad na sumakay sa kotse nya kasama si Aki.

Ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ang kotseng sinasakyan nila ng Mommy nya, sa ng isang ten wheeler truck.

Si Aki lang ang nakaligtas sa aksidenteng yun dahil bago sila mabangga sa ten wheeler truck ay niyakap siya ng Mommy nya para protektahan sya.

[End Of Flashback...]

Akihiro's POV

Seyosong nakikinig si Nathalie habang kinukwento ko ang nangyari 10 years ago.

Buong buhay ko sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa Mommy at kakambal ko.

Pati yung relasyon ko kay Daddy naapektuhan pagkatapos ng aksidenteng yun.

Kahit si Daddy ako ang sinisi sa nangyari kung bakit namatay ang kapatid ko at ang Mommy ko.

Kasalanan ko naman talaga. Kung binantayan ko lang sana si Gelly noon ay hindi siya malulunod at hindi mamatay si Mommy sa car accident.


Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon