39。Awake
Angel Hope's POV
Day 37
Ito na ang araw ng pagtatapos ng pagiging tagapagbantay ko sa mga taong may Misyon na kagaya ni Eira.
Buburahin na ulit lahat nang alaala ko.
"Anong huling kahilingan mo bago tanggalin ang alaala mo?" Tanong nang isang nakakataas na Anghel sa akin.
"Kahilangan ko na pagalingin nyo ang Tatay ni Eira." Agad na sabi ko.
Napag-ayos nya si Daddy at Hiro kaya ako naman ang tutupad nang pinangako ko.
Tumango sya bilang sagot.
Masaya kong lilisanin ang Posisyong to dahil alam ko na nagkaayos na si Aki at si Daddy.
Kung nagtataka kayo kung papano ko nalaman ang tungkol sa pinagmulan kong pamilya...
*Flashback*
Day 21 noon,
Plano kong magpakita kay Eira para sabihin sa kanya na hindi nya pwedeng banggitin sa iba ang tungkol sa Misyon nya.
Dahil pwe-pwedeng mabawasan ang 40 days nya.
Nang aksidente kong marinig ang ikini-kwento ni Aki.
Lahat nang kinwento nya ay parang nagflashback sa utak ko.
Naalala ko na palagi ko siyang tinatawag na Hiro, dahil palagi nya kong pinagtatanggol sa umaaway sakin sa school.
At yung tagpo noon na nasugatan si Hiro, at yung niyaya ko syang manguha nang seashells lahat yun ay parang blurry na naaalala ko.
Nang marinig ko yun ay gumawa ako nang paraan para kunpirmahin kung siya ang naging kapatid ko nang nabubuhay pa 'ko.
Tama nga ang sinabi nila, na oras na malaman namin ang tungkol sa pamilya namin o kahit anong tungkol sa nakaraan namin ay makakagulo yun sa isipan namin.
Palagi ko kasing inaalala kung papaano ko mapapag-ayos si Hiro at Daddy, lalo na nung nalaman ko na ang pagkawala namin ni Mommy ang dahilan non.
*End of Flashback*
Lubos akong nagpapasalamat kay Eira dahil nagawa nyang mapag-ayos si Daddy at Hiro.
Ngayon ay masaya 'kong lilisanin ang posisyon ko bilang tagapagbantay sa mga taong may Misyon na kailangang gawin.
"Handa nako." Pinikit ko na ang dalawang mata ko.
Chan's POV
Ilang araw na rin namin nakikita ang pagbabago kay Aki. Kung dati ay loko loko yan, mas dumoble naman ngayon.
Ang laki nang naging epekto sa kanya nung sinasabi nya sa amin na Nathalie.
Ang laki nang pinagbago nya. Akala ko pa naman noong nagkaayos na sila nang Daddy nya ay magiging okay na sya.
Pero mukhang mas naging worst pa ata.
"Hoy Chan! Tumawag si Tita, gising na daw si Eira." Napatulala ako.
"Oh?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo nga. Gusto mo isigaw ko pa sa tenga mo." Iritadong sabi nya.
"Sige na, may pupuntahan pa 'ko." Sabay naglakad na sya paalis.
"Hoy! Sandali lang! Anong sabi ni Eira? Namiss nya daw ba yung pinakagwapo nyang pinsan?!" Medyo malakas na yung boses ko dahil malayo layo na sya.
"Ugok! Mas gwapo ko sayo no!" Sigaw nya pabalik.
Habang ako ay nakangiti at napapailing yung dalawa kong kaibigan dito ay naka- poker face lang.
"Nalugi ba kayong dalawa sa negosyo? Bat ganyan mga mukha nyo?" Natatawang sabi ko.
"..." ni isa sa kanilang dalawa ay walang sumagot.
Naseen ako kumbaga. Loko tong mga to ah. Well kay Aki sanay nako, pero kay Gelo. HINDI.
Mas maingay pa kasi sa megaphone yan eh.
"Bahala na kayo. Mauuna nako tatawagan ko pa si Tita." Sabi ko at umalis na.
Pag-uwi ko ay dinial ko agad ang number nila tita sa States.
Natutuwa ako kasi nagising na si Eira.
°°°
jwinisbaeThankseu for reading and voting. God bless everyone!
BINABASA MO ANG
Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)
Teen FictionIsang babaeng handang gawin ang lahat para lang madugtungan ang kanyang buhay. At Isang lalakeng walang pakialam sa buhay, na yung tipong 'living young, wild, and free' ang motto sa buhay. Pano kung pagtagpuin sila ng kapalaran. Matulungan kaya nila...