MOTSB 05

964 24 0
                                    

05: Deaf


THIRD PERSON'S POV


2 weeks later...

Day 14...

"Ano dude hindi pa ba nagigising si Aki?" Tanong ng lalaking kakapasok lang, sa isa nyang kaibigan na nakaupo sa couch.

"Hindi pa din bro Eh." Sagot ng lalaking nakaupo sa may couch.

"Kumain muna tayo, balikan na lang natin mamaya si Aki." Sabi ng lalaki sa kaibigan nya.

Tumayo ang lalaking nakaupo sa may couch at sabay silang lumabas ng kwartong iyon.



AKIHIRO'S POV

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko.

Nasan ba 'ko?

Nang makita ko ang paligid ay tsaka ko napag-isip isip na nasa isang ospital ako.

[Flashback...]

"Bro tama na yan! Lasing ka na!" Halos pasigaw na ang pagkakasabi ni Gelo dahil sa napakalakas na volume ng tugtog na nagpeplay.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at patuloy lang sa pag-inom.

Maya maya ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.

Trixie Calling...

Answer Decline

Lumabas muna ako ng bar bago sagutin ang tawag ni Trixie, ang girlfriend ko.

"Hello?"

"Aki... pwede mo ba kong puntahan dito sa mall malapit sa 'min?"

"Bakit? May problema ba?" Tanong ko.

"A-ah eh... w-wala. May importante lang akong sasabihin." Kahit sabihin nyang wala ay alam kong meron. Dahil parang may kakaiba sa boses nya.

"Okay. Papunta nako jan."

Sumakay nako sa kotse at pinaandar ito papunta sa Mall malapit kina Trixie.

Nang makarating ako sa mall ay nakita ko na agad sya.

"Ano ba yung importate mong sa-- Bakit ka umiiyak?!"

Tatanungin ko sana sya kung ano yung sasabihin nya pero bigla na lang siyang umiyak.

"A-ak-i...S-sorry..."

"Shh. Bakit ka ba nagsosorry? Wala ka namang ginawang kasalanan." Sabi ko habang pinupunasan yung luha nya gamit ang kamay ko.

"Nakikipag-break nako." Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi nya.

"T-totoo ba yung narinig ko?"

Hindi sya sumasagot, sa halip ay umiiyak pa din sya.

"Sumagot ka?!"

"I-im S-sorry... Magpapaliwanag ako."

Akmang aalis nako pero hinawakan nya ang kamay ko.

"Hindi ko intention na saktan ka Aki."

"Nagawa mo na. Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Tapos na tayo."

Sya ang inaakala kong tao na huling mang-iiwan sa 'kin.

Masakit para sakin, pero kailangan kong tanggapin na walang permanente sa mundo.

Ganon ba ako kasama para iwanan ng mga taong mahalaga sakin?!

Sumakay na ako ng kotse ko at pinatakbo ito ng mabilis.

Wala na akong pakialam kung may mangyari mang masama sa akin.

Kasalukuyan kong pinapatakbo ng mabilis ang kotse ko, nang may makita akong batang lalake sa gitna ng kalsada.

Kusang kumilos ang mga kamay ko para ibangga sa may puno ang kotse ko, para hindi masagasaan ang bata.

[End of Flashback...]

Psh. Ano ba tong mga nakakabit sa katawan ko?

Tinanggal ko lahat nang nakakabit sa katawan ko pagkatapos ay tumayo at lumabas na ng kwarto.

Hindi ko gustong mag- stay ng matagal sa lugar nato dahil marami akong masasamang alaala sa Ospital.

"Teka lang sir. San po kayo pupunta?" Tanong ng nurse, base sa suot nya.

"Hell. Wanna come?" Dire direcho na akong naglakad at hindi na hinintay pa ang sagot nya.

Habang naglalakad ako sa may hospital hallway ay napahinto ako dahil may babaeng nakaupo sa sahig sa gitna ng hallway, nakatalikod sya kaya hindi ko kita ang mukha nya.

"Get out of my way." Mahinahong sabi ko.

Pero mukhang hindi nya narinig.

"Hoy babae alis dyan!" Tsk! Bingi ba tong babaeng to?


Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon